01

10 1 0
                                    

New classmate

Sa isang high school may anim na section

'Section B'
'Section C'
'Section E'
'Section F'
'Section D'

And last.. 
'Section A' The highest section

Nasa Section A si Casteor Zoe o mas kilalang Zoe. Siya ang top 1 nila at president ng room nila at President ng school. Seryoso siya minsan, minsan naman hindi. Halos lahat ng kaklase nya ay kaibigan nya pero natatakot sila pag nagalit sya.

Ngunit responsable naman syang president at tumutulong lagi.

Habang nasa loob sila ng room nila nagkaklase ay may kumatok na isang lalaki. Isa syang transfer student

–––––––––––––––––––––––––––––––––––––––––––––(≡^∇^≡)

Zoe POV:

"Uhmm hi? I'm sorry, i'm late" sabi ng isang lalaki. Mukang siya yung transferee na sinasabi ni sir.

ANTIH ANG GWAPO SYET!!!

Para syang fictional character sa binabasa ko. " Hoy pres! Baka matunaw yan ha" sabi sakin ni Luna, halatang kanina pa ako nakatitig sakanya. Ang gwapo kase hayst.

Finally may gwapo na rin sa room HUUUEEEYY KEMEROT LANG.

" Come in and introduce yourself iho " ani ng teacher namin. "Uhm hi, my name is Allen Carl Ramos, and nice to meet you all" pagpapakilala niya at pinalakpakan naman namin. "Ok Mr. Ramos you may take a seat everywhere that is available and Ms. President" agad agad akong tumayo "Yes po ma'am? "

"Please take Allen around the campus later"

"Okay maam" at umupo na sa upuan ko.

Pagka upo ko nakita ko siya na nasa unahan ko, katabi siya ng ibang mga lalaki sa room.

*bell ring*

"Yes finally recess na!! Yey!!" sigaw ni Luna sa tabi ko. Sanay na naman ako sakanya HAHA lagi naman 'yan ganan since naging katabi ko 'yan.

"Oo na teh recess na kaya tumahimik ka na" suway ko kay Luna.

Napansin ko na wala na si Allen sa  harap, pumunta na atang canteen or baka naingayan kay Luna kaya umalis.

Habang papunta kami sa canteen ni Luna pinag-uusapan namin yung mangyayari sa valentines. Supreme Secondary Learner Government (SSLG) president rin kase ako at si Luna ang vice president.

"ate ko lagyan natin ng photobooth at wedding booth sa valentines para you know nakakakilig HAHAHA" suggest ni Luna sakin habang nagawa ng nakakatawang muka. "Pag -usapan na lang natin iyan kasama ang ibang members" ani ko. Papasok na kami ng canteen habang nag-uusap pa rin kami ni Luna nang mabangga ko 'yung transferee namin.SHET! OMG HALA NAKKAKAHIYA.Bakit kase 'di ako tumitingin sa daan hayst!. 

"Hala sorry Allen, i'm really sorry huhu"ani ko habang tumutungo at naka piece sign yung kamay ko. " It's ok pres" sagot naman ni Allen. Hala galit ata o sadyang cold sya charut.

"Sorry talaga 'di ko sinasadya"

" it's ok lang talaga don't worry. I need to go na, bye miss pres" paalam sa'kin habang nag w-wave ang kamay at nakangiti.

O TO THE M TO THE G ANG POGI NYA PAG NGUMITI !!!!!

"Hoy pres bakit ngiting-ngiti ka diyan ha?!"  kase ang gwapo ni Allen hayst.

"h-huh?! wala wala tara bili na tayo" ani ko. "Anong wala teh?! hindi ka magkakaganyan ng walang dahilan, 'wag ako ate ko kala mo ha" sabat ni Luna at tumawa na lang ako habang nakuha ng bananacue.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 10 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I am Falling For YouWhere stories live. Discover now