If You Met Me First

14 0 0
                                    

"Well you only need the light when it's burning low.."

"Only miss the sun when it starts to snow.."

"Only know you love her when you let her go.."

"Only know you've been high when you're feeling low.."

"Only hate the road when you're missing home..."

"Only know you love her when you let her go..."

"And you let her go.."

"Ang ganda talaga ng boses mo! Galing mo pa maggitara." Puri niya sakin.

"Sus, akala mo siya hindi rin magaling. Nung una nga kita makita rito tumutugtog ka rin e." Ngumiti siya.

Kausap ko ngayon yung kaibigan kong nakilala sa park sa subdivision namin.

Ang weird ano? Mga ilang beses na siguro kami nag-usap at magkita para mag- gitara at magkantahan pero hindi pa rin namin alam pangalan ng isa't isa.

Paano nga ba kami nagkakilala?

< Flashback >

Nandito ako ngayon sa park kasi dito ang tambayan ko. Ayoko kasing mag-istay sa bahay kasi wala namang ibang nangyayari dun kundi pag-aaway ni Mommy at Daddy.

"Ipikit mo man ang iyong mata
'Di pa rin naman mag-iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo
Tila malimit kang ngumiti ngayon
'Di ka rin naman ganyan noon
Naubusan ng tibok ang puso mo.."

Huh? Inikot ko yung paningin ko para hanapin yung kantang naririnig ko.

"Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan?
'Di ka na babalik sa lilim ng ulan..."

Hindi ako tumigil sa paghahanggap hanggang sa mapukaw ng isang lalaking nakaupo sa likod ng puno ang atensyon ko. Moreno siya, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Tumutugtog siya gamit ang gitara habang kumakanta.

"Sa bawat saglit, handang masaktan
Kahit 'di mo alam.."
"Subukang muli at pagbigyan

Ang ating nakaraan
Kahit 'di mo na alam.."

/claps/

Napalingon siya sa'kin. Nagkatinginan kami sa mata.

"Ang ganda naman ng boses mo." Bati ko sakanya.

Ngumiti naman siya. Pero iisa lang nakita ko sa mga mata niya... Lungkot.

"Ang ganda rin ng mga mata mo ah, kaso bakit ang lungkot?" Tanong ko sakanya.

If You Met Me FirstWhere stories live. Discover now