My Creepy stalker

27 0 0
                                    


( Janna's POV)

"Look!"

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng mga kamay ni Stella,bestfriend ko rito sa university,kumunot ang noo ko ng makitang si Dean yun,isa sa mga ka-batchmate namin,second year na kami while he's in his fourth year and soon to graduate sa kursong Accounting,paano ko bang hindi malalaman eh popular ang lalaking 'yan dito sa school na 'to

He's always giving me the creeps,hindi naman nakakatakot ang itsura nya infact--he's a descent looking guy ang kaso,palagi nalang namin syang nahuhuling nakatingin samin--or should I say NAKATITIG SAKIN? Everytime ay bigla nalang akong kikilabutan,yung feeling na may nakamasid sayo? Tapos nakikita namin ni stella na si dean ang nakatitig sakin

Ano nga bang meron sakin at ganyan sya makatitig palagi? Marami namang mas magaganda at attractive dito sa school?

6:00 pm

"Bye stella,see you tommorow?" Magkaharapan kami ni stella sa tapat ng gate nitong university,

"Bye din janna,call me when you got home alright?"

Ng umalis na ang kotse ng daddy ni stella ay tumalikod na ako and walk all the way to our house,hindi naman ganun kalayo ang bahay namin from school pero hindi din naman ganun kalapit,mas gusto ko kasing naglalakad-lakad tuwing gabi lalo na sa kagandahan ng gabi,nafi-feel ko ang ambiance at nakakapag-isip isip pa ako about sa mga bagay,night walk kumbaga

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman na naman ang kakaibang pakiramdam,yung feeling na parang may tao sa likod mo at nakatitig sayo,nakamasid,nakasunod,napahigpit ang hawak ko sa strap ng backpack at bumuntong hininga ng nakapikit, nung idilat ko ang mga mata ay nagbilang ako sa isip,hinakbang ko na ang mga paa ng dahan-dahan,hanggang sa lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil yung yapak ng tao sa likuran ko ay bumibilis din ang lakad,god save me

Nung malapit na ako sa gate ng village namin ay kampante akong lumingon sa likuran,may guard na kasi sa entrance kaya malakas ang loob kong huminto,kilala ako nito pati na ang lahat ng taong nakatira dito. There's no one when i turned my back,deserted highway lang ang nakita ko,naiilawan ng orange lamppost pero may mga madidilim paring parts ng kalsada,tahimik sobra,huminga ako ng maluwag this time.ito ang palagi kong kinakatakutan everytime sasapit ang uwian from school,kapag naglalakad ako ay palagi nalang akong kinakabahan,palagi nalang may nakasunod at nakamasid sakin,thankful parin ako dahil hindi naman ako ginagalaw ng stalker at sinasaktan,kumbaga parang nagmamasid lang sya sakin

I was about to turn around when I noticed something,tinakbo ko ang nasa lupa at nalamang keychain ito na unggoy,my eyes widen in shock ng makilala ang pamilyar na bagay na nasa lupa,agad kong pinulot at pinagmasdan,alam na alam ko kung sino ang may-ari nito,at alam na alam ko narin kung sino ang stalker ko,ngumiti ako ng mala-demonyo--Now I know kung sino ka,bukas ka lang sakin

****************

Sinipa-sipa ko ang mga bato sa lupa habang nakasandal dito sa entrance ng school field,sinipat ko ang pambisig na relos at nakitang alas-nuebe na ng umaga,tantya ko ang oras ng pasok nya kaya nga maaga akong pumasok just to see him,

Nagsimula ng magdagsaan ang mga estudyante,hinanap sa tumpok na tao ang hinahanap--there,nakita ko ang taong pakay,as usual tahimik syang naglalakad habang nasa bulsa ng slack ang isang kamay,while his other hand ay may hawak na duffle bag,mukang may laro sila ngayon?

Tumakbo agad ako para makalapit sakanya,soon when i reached him ay hinarangan ko ang daanan nya,yung mga braso ko pa ay nakabukas,may mga ilang estudyante tuloy sa gilid namin ang napatingin sakin,pero wala na akong pakialam,sya lang ang pakay ko at wala ng iba

[Story Tales]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ