Since day one, Emery has killed countless lives. She's a devil, in fact. At simula nang ipinanganak siya ay nakakulong na siya sa kan'yang masaklap na kapalaran. At bilang isang taong may napakalaking papel sa paparating na digmaan ng Leior at Azure, patuloy na napipilitang maging isang masamang tao si Emery. Ngunit sino nga ba talaga ang tunay na mga banal? Ang Diyos ba na naghirang sa kan'ya? O ang mga klero ng templo na may mataas na pananampalataya sa Diyos na kinamumuhian niya? At ano nga ba ang tunay na patunay upang mahusgahan na mabuti ang isang tao? Sino ba ang tunay na makasalanan? Sino ang biktima? Sino ang banal? At sino ang manghuhusga? Hanggang saan aabot ang lahat upang makamit ang kabutihan? Isang kabutihan na kailangan ng kabayaran? Kabutihan bang masasabi kung ang isang gawain ay may bahid ng kasamaan? Ngunit paano naman kung para ito sa kapakanan ng nakararami, lalo na sa kaharian? Ano ang dapat sundin? Ang puso o isipan? At may kailangan pa bang sunding gabay ang puso upang matutong magmahal? Ang pagmamahal ba ay para lamang sa mga banal? Paano nga ba mahalin ang isang makasalan? Nararapat ba silang kamuhian? Date started: August 6, 2021 Date ended: This story is available on Finovel, Novelah, and Storyon.