PROLOGUE

1 0 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng hapas ng  hangin na tumatama sa aking mukha, "Shi,anak gisingin mo na mga kapatid mo malapit na tayo" sambit ng mama ko na nakaupo sa passenger seat ng aming mumunting sasakyan.

Papunta kami ngayon sa batangas para bisitahin ang tita ko-kapatid ng papa ko-  para narin makapagbakasyon, matagal den kaming di nakapag bakasyon dahil busy kaming magkakapatid sa school at si mama't papa sa maliit na karendirya namin.

"kuya gising na daw malapit na tayo gisingin mo na den yan si jojo" mahina kong sabi sa kuya mj ko. Isang taon lang ang agwat namin at 7 years naman ang agwat ng bunso saakin, talagang close  kaming magkakapatid  pero syempre madalas parin  kami mag asaran hehe, unica ija ako kaya madalas eh overprotected ako sa aming pamilya.

Ilang sandali lang dumating na kami sa aming distinasyon nabasa ko na ang arko ng resort na pagtutuluyan namin casa asul. Pagkababa ng sasakyan sinalubong kami ng nagdadalang tao kong   tita ko at  ng asawa niya,  matalik na kaibigan ni tita ang may ari ng resort kaya libre na ang pag stay naming dito.

sandali lang nagkamustahan at hinatid na kami sa villa na aming tutuluyan upang makapag pahinga na muna kami, pag pasok namin sa loob ng puting villa kitang kita kaagad ang magandang tanawin sa labas dahil sa salamin na pintuan patungo sa terrace dumiresto agad ako dito at nag-unat "aahhh, this feels good! Hoooo"
ansarap sa pakiramdam ang bawat malamig na hangin at ang init na nagmula sa araw na tumatama sa aking balat.

Matagal din akong tumitig sa napaka-gandang karagatan na nasa harap ko, asul na asul ang tubig.

Maya maya naisip ko na kumuha ng mga litrato pumasok muna ako sa loob para kunin ang aking camera. "mama, asan po nakalagay yun cam ko?" "Dinala na ng kapatid mo sa kwarto niyo" sagot niya. Dumiretso ako sa kwarto namin at agad kong nakuha ito at bumalik na sa terrace.

Nagsimula na ako kumuha ng mga litrato, habang tinitignan ko sa screen ng camera ko  ang mga litrato nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na para bang may nakatingin sakin, agad akong nagmasid sa aking paligid may iilang tao den na naglalakad lakad malapit sa karagatan at may mga nag papahinga sa kanya kanya nilang nilatag na sapin pero... pakiramdam ko talaga may nakatingin sakin pero wala ako Makita , " hayss, pagod lang to" sambit ko sa sarili ko.

" shiana, kumain na kayo at maya maya ay  ipapasiyal tayo nila  tita mo!" tawag saken ng papa ko. "opo, itoo na po papa" bago pumasok ay tumingin uli ako sa labas kung saan naroon ang ilang mga turista din at may nasagip ang  paningin ko, isang lalaki sa tabi ng puno ng  buko  naka sombrelo di ko man kita ang mga mata niya alam kung sa direksiyon ko siya nakatingin. "ate shiii! Tawag ka na nila papa, antagal mo naman!' sigaw ni jojo saken kaya kinuha ko na ang camera ko at pumasok.

"weird" bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami hanggang sa dumating na yung tita't tito ko "kuya, ano ready na kayo?  Ipapasyal na namin kayo." Sabi ng tito ko kay papa. " ay kuya siya nga pala, isasama naten to si karl, anak ng katrabaho ko mas kabisado niya kasi tong isla kesa samin eh hahaha"  bigla namang nagflash ang abot tenga niyang ngiti na nakakahawa at halos lahat kami ay napangiti den " Magandang hapon po sir!  Ako nga po pala si karlos  jon Soriano at dahil special kayo karl nalang po ang itawag niyo saakin, labing pitong gulang ang inyong cute na guide sa araw na ito" masigla at mabilis niyang sabi na nagpatawa saamin.

Pagkatapos ng saglit na paguusap tungkol kung saan at ano ang mga pupuntahan ay bumaba na kami habang naglalakad biglang umakbay saakin ang bunso kong kapatid na si jojo, kahit pitong taon ang agwat namin mas matangkad siya saaking ng ilang centimeter kaya naman kung asarin ako eh kala mo hindi niya ako ate.

"uyy ate, gusto ka ata ni karl! Patulan mo na para naman maranasan mong magka jowa!" bigla ko siya nabagukan at napalakas ata dahil napatigil siya sa paglalakad. "aray! Bat ba namamatok ka!" " mahiya ka naman anlakas ng boses mo rinig na rinig ka nila!" mahina ngunit madiin kong sambit sa kanya "eh ano na naman! Totoo naman na NBSB ka ah! Tska halata naman na crush ka niya tingin ng tingin kaya siya sayo simula pa kanina! Ayaw mo pa? pogi naman siya ah, Moreno at may pamatay na ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing YouWhere stories live. Discover now