CHAPTER 1: Ang Nawawala

114 6 29
                                    

(Belle's PoV)


A few years later the happy-ever after stories ng mga hitad...

"SHUTA NAMAN, NAPAKAINIT SA PILIPINAS. SA LAHAT NG BANSA NA PUWEDENG PAGTAGUAN, DITO TALAGA, BELLE? DITO TALAGA? 'DI MAN LANG SA AMERICA OR SA SOUTH KOREA PARA MAY OPPA. KAKALOKA KA, GHORL."

As usual, walang ibang lumabas sa bibig ni Cinderella kundi reklamo at mura. Minsan, reklamo lang. Minsan, mura lang. Pero madalas, combo.

"Sissy, baka nagkaproblema sa pagnanakaw ng magic wand ni Fairy Godmother? Baka maling wand ang nakuha niyo kasi," depensa ko sa sinabi ni Cinderella. Aba, eh, sinunod ko lang naman ang time-space-warp na nakalagay sa librong binasa ko. Malay ko bang dito kami sa Pilipinas babagsak.

"Sandali lang naman, mga mare. Akala niyo ba madali lang mang-snatch?" wika ni Jasmine, na siyang nagnakaw ng magic wand ni Fairy Godmother. May natutunan daw kasi siyang tricks kay Aladdin noon. Ayun, in-apply ng gaga.

"Naku, mars. 'Di kaya nasundan tayo ni..." ani Aurora na biglang napapikit. Tapos naghilik. Nang nakaupo.

"Ay, si atih, forever puyat talaga. Kaya today, atih?" sabi ni Mulan, saka pinitik sa sentido si Aurora.

"Mars!" nagulantang na reaksyon ni Aurora. "Good morning, mga mars. Ano'ng ganap?"

Nasapo na lang ni Snow White ang noo. "Hay, mabuti at nagkita-kita tayo. At mabuti at ligtas kayo, mga ate ko."

Tinampal naman ng iritableng si Cinderella ang inosenteng si Snow White. "Ghorl, 'di ba ikaw ang pinakagurang dito? Ikaw ang pinaka-unang na-feature. Ano'ng ate-ate pinagsasasabi mo, hitad?"

"Si Cinderella talaga, masyadong hot na hot. Kalma ka lang, ate. Gusto mo ng mansanas?" alok ni Snow White.

"Sissy, walang kadala-dala?" Kinuha ko ang mansanas at itinapon sa gilid ng daan. "Mamaya, may lason na naman 'yan. Isip-isip din 'pag may time."

"Maka-isip naman 'to si Mareng Belle. 'Kala mo, hindi fanatic ng Stockholm Syndrome. Na-in love naman sa halimaw," ungot ni Jasmine, na mukhang sinusubok ang pasensya ko.

"At least, hindi sa magnanakaw. Boom!" tirada naman ni Mulan.

Inangat naman ni Jasmine ang sleeves ng blouse. "Ay, mare. Personalan? Por que general ang ex-jowa?"

"Ghorl, lahat kami, mga ex-jowa ng prinsipe. Si Mulan, general ang ex, so keri na rin, kasi nasa mataas na posisyon na rin. Ikaw lang talaga ang naiiba," hirit pa ni Cinderella.

"Mga ingrata! Kung 'di dahil sa ex-jowa kong matingero, tingin niyo 'di tayo makakalaya sa kanilang lahat? Tsaka technically, prinsipe na rin siya, kasi naging kami! Dahil isa akong prinsesa! Mga pakshet!" tili ni Jasmine.

Baka nagtataka kayo kung paulit-ulit kami sa "ex-jowa", eh... So, here's the tea.

Nagkaroon ng bonggang World War sa Magic Kingdoms for a very controversial reason. Ang pinag-ugatan? Ang pagtataksil ng aming mga ex-jowa. Aba, hindi nakuntento ang mga hayop sa aming ugali, talino, kabaitan, at ganda, most of all. (Yes, dapat naka-bold, italics, at underline.) Na-raid ang isang kastilyo kung saan naging sex den ng mga ungas! Si Gaston ang nag-reveal sa amin, dahil you know, bitter pa rin ang lolo mo kay Adam. Kaso nga, 'di ko talaga siya type.

Anyway, so, ayun na nga. Kumalat na ang balita sa lahat ng kingdoms. Nawalan ng tiwala ang mga official sa aming mga asawa, kaya ayun, nagkita-kita kaming mga sissy para i-confirm ang tea ni Gaston. Sadly, totoo nga.

The Real Housewives of Fairy TalesWhere stories live. Discover now