Chapter 1: Meet Alexandra

24.8K 300 128
                                    

(ALEXANDRA'S POV)

"Alexa.."

"Mm.."

"Alexa.."

"Mmm.."

"Alexa!"

"Fives minutes..please.."

Hayss naman kase. Natutulog ang tao eh.

"Alexandra!!!"

Awit naman to kaaga aga e nangbobroadcast na naman. I mean okay lang naman saken e broadcast name ko kaso etong si Nanay pagmagbroadcast e may galit, ansama parang di pamilya.

"Nay naman e.. five minutes lang e!"

"Alexandra wag mo akong mafive minutes five minutes diyan! Aba'y tanghali na, anong plano mo? Araw araw na lang dios mio kang bata ka! Bumangon ka na riyan at maligo!"

Binalot ko na lang ang sarili ko ng kumot at tinakpan ang mukha ng unan. Bahala na antok pa ang tao e aba'y wag naman bastusan Nay, sa ganda kong to dapat palaging sleeping beauty!

Nang wala na akong marinig na pagsesermon ay napangiti na lang ako at tinuloy ang session nang aking pagtulog...

Pero wait wag naman ganon Nay huhuhu

Alam ko na ang kahihinatnan ko sa tono nang mga mabibigat na yapak na yan na papalapit na sa kwarto ko.

Lord, wellppp!

Biglang napabangon ako at pinagpatong ang mga unan at nang marinig ko ang yapak na biglang huminto sa tapat nang pinto ay wala na akong choice kundi ang itago ang kumot na di pa natupi sa ilalim nang mga unan na pinagpatong ko. Dali- dali kong hinablot ang suklay at hinarap ang sarili sa salamin na kunware matiwasay na nagtatali nang buhok. Ang galing ko talaga haysss applause to you self makakasurvive ka today! Kit sabog naman ang utak ko dahil kakagising lang pero never kong makakalimutan magpuri ng sarili ko no!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa neto ang tigre kong Nanay na hawak hawak ang susi nang kwarto ko at napatingin sa akin. Since I feel safe naman na kase nga ang galing galing ko diba edi time na naman ulit para mabihasa pa ang aking acting skills mwehihihihi

Kunwareng nagbusy busyhan ako sa pagsuklay ng aking precious hair. At huminto nang ilang segundo para harapin ang aking inahan na halos maging angry birds na ang kilay with matching imaginary usok sa ilong dahil sa galit.

"Yes, Nay? Good morning..mwa-arrr- arayy!! Nay naman eh!"

Hayss kaloka naman tong tigre na to kinikiss na nga e ako na nga tong nag good morning e aba'y parang di pamilya kong makahampas nang unan.

"Wag mo akong daan daanan sa mga ganyan mo Alexandra! Umayos ka di ka na bata para paluin pa! Tingnan mo pati kumot di marunong magtupi jusko ka anong mararating mo sa buhay pag ganto ka lagi"

"Handa naman po ako maging construction worker Nay"

Oo construction worker na lang nanunuod naman ako lagi sa kay Kuya Bert na naghahalo ng semento sa kanto may bagong bahay na malaki silang ginagawa e satisfying kasi tambay kaya ako dun kasama mga alagad ko WAHAHAHAHA tama tama ang galing ko talaga mindset ba mindset!

"Nayyyy!"

Aba'y ansaket non ah! Hinampas ka ba naman nang pagkalakas edi nahimasmasan yung pretty face ko't nagising na din ang sabog kong utak. San ba ni Nanay nakuha yang walis tambo wala pa yan sa kamay niya kanina ah! Aba amazona na nga magician pa!

"Na-nay! Don't... please!"

Siyempre kahit masakit ung pwet at paa ko sa paghampas netong tigre na to dapat ituloy ko pa din ang actingan ko! Full-time career ko tong acting skills na to e!

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora