CHAPTER 1

83 3 0
                                    

[Leigh's Pov]

"ANONG GINAWA MO SA SARILI MO!?" Mom and dad shouted at me habang kunot noong nakatingin sa akin si kuya.

"What are you talking about?"maang na sabi ko at ngumiti.

"What have you done to yourself?" tanong ni kuya habang nakaturo sa buhok ko.

Ang OA, nagpagupit lang naman ako at nagmumuka akong lalaki, long hair na lalaki kumbaga.

"What's wrong? Ang gwapo ko kaya," sabi ko naman at tumawa pa.

"Oo nga, ang gwapo mo na ang ganda, are you----"

"Trip ko lang!" sigaw ko sa kanila, baka pag-isipan pa ako ng mali eh.

"I just want to look like this, pogi ako eh," sabi ko at pinaglaro pa ang kilay ko.

Napailing nalang si mommy at napakamot si daddy sa kaniyang kilay samantalang bumuntong hininga naman si kuya.

Somehow, nagsisisi ako sa gupit ko.

It is a wolfcut pero ang iksi talaga.

Pero ang pogi ko tignan.

Dumeretso ako ng kwarto ni kuya at naghalungkat na naman ng mga damit niya, wala lang, mas gusto ko kasing isuot mga kagamitan niya kesa mga damit ko eh.

Walang paalam nga ay kinuha ko na naman ang t-shirt na kulay beige at pumunta na ako ng kwarto ko para maligo at naghanda para pumasok na naman sa school, nakahood kasi akong dumating kagabi kaya naman hindi nila napansin ang buhok ko.

At ngayong umaga lang nila napansin nang bumaba ako para sana kumain.

Wala ng madaming kaek-ekan, agad na akong naligo at mabilis ngang kumilos para pumunta na ng school.

Kinuha ko agad ang susi ng motor ko at hindi na nga din nagpaalam ay umalis na.

Oo, motor, ayaw ko ng kotse, mas maganda ang motor, mas astig.

Mabilis ko nga itong pinatakbo hanggang sa makarating ako sa bahay ng  kaibigan ko.

Walang katok katok kong pinasok ang pamamahay nila at nakipagbatian pa ako sa mga magulang niya.

Gulat silang napatingin sa akin, " nagpagupit ka," ani ng ina ng Cullen, "oho, ang init po kasi, " sagot ko at bahagya pang natawa.

"Ang pogi mo na tuloy," sabi ng nakababatang kapatid nito at natawa pa kaming pareho sabay apir.

Inakyat ko nga ang hagdan papunta sa kwarto ni Cullen na malamang sa malamang ay hindi pa tapos sa pag-aayos sa kaniyang sarili.

Nang makatapat ako sa kwarto nito ay kinatok ko ng dalawang beses 'tsaka ito binuksan, "aga mo naman," aniya habang nakaharap sa salamin at inaayusan ang sarili.

She already knew na ako ang papasok sa kwarto niya, wala naman ng ibang nakakapasok dito kun' 'di ako lang.

"Bilisan mo diyan," pagmamadali ko sa kaniya, "tapos na ako shunga," aniya at humarap.

Itinuro niya ako at napatakip pa sa kaniyang bibig, gulat na gulat "omg! Ang pogi mo!" Tili niya kaya napairap ako, samantalang ay ngiting -ngiti pa siya.

Pinamulsa ko ang isa kong kamay at kinuha ang kaniyang bag at lumabas na ng kwarto niya.

Agad na din siyang sumunod at nagpaalam na nga kami sa magulang niya.

"Ang sungit mo naman pogi," pangangantyaw niya sa akin.

"Oh ano, saan, ang pogi mo, nireregla naman~~" pag-awit niya kaya natawa kami pareho kaya hinagis ko sa kaniya ang bag niya.

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•Onde histórias criam vida. Descubra agora