Fairytale Fail

14 0 0
                                    

Freshman year.. Bagong kabanata na naman ng buhay ko. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang building kung saan ako mag-aaral.

Same university rin naman ang papasukan ko ngayong high school kaya lang ay sa ibang gate at building na dahil nga high school department na.

Malawak talaga ang university na ito. Pang-mayaman at puno talaga ng sosyalan. Kung noon ay pagandahan ng lapis, bag, laruan at kung ano ano pang pambatang gamit ang pinagyayabangan.. Ngayon ay siguradong iba na rin. Hindi naman ako gaanong nakakasunod sa in at mga uso at wala rin naman akong pakialam doon. Hindi naman kami mayaman, e. Ang tatay ko lang ang sumusuporta sa akin para makapag-aral sa marangyang paaralan. Siguro ay ito ang pambawi niya sa pag-iwan niya sa amin ng Mama ko. Nangibang bansa siya at hindi na bumalik. Nabalitaan na lamang namin na may iba na pala siyang kinakasama doon.

"Cindy!" Kumaway sa akin ang kaibigan kong si Donnalyn. Kagaya ko ay hindi rin mayaman si Donna. Scholar kaming pareho kaya kahit paano ay nairaraos ng pamilya niya ang pang-tuition niya. Only child rin naman kasi siya.

"Uy, Donna!" Bati ko sa kanya. Kaming dalawa lang ang magkaibigan dito. 'Yong totoong kaibigan, ba. 'Yung iba kasi plastik lang at iyong iba naman ay nagpapakatotoo nga ngunit masamang ugali naman ang meron dahil nga mayaman. Ewan ko nga kung alin ang mas mainam, e. Pero may iilan rin namang mababait at friendly. Hindi lang talaga namin sila trip masyado dahil feeling namin ay O.P kami sa mundo ng mga sosyal.

Palapit na ako sa kaibigan kong si Donnalyn nang bigla na lang akong natumba dahil sa bolang tumama sa aking ulo. "Aray!" Kita mo nga naman. First day high pero malas na agad. Umagang umaga, e.

Pinilit kong tumayo para sana sugurin ang kung sinomang may kasalanan sa nangyari nang nabigla ako dahil sa kamay na nakalahad sa harap ko. Tumaas ang tingin ko para makita kung sino siya. Tinanggap ko rin agad ang nakalahad niyang kamay at tumayo na.

Chinito eyes. Smiling face. Gwapo. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilikmata. Mapupulang labi.

Halos kabisaduhin ko na ang features ng perpektong nilalang na nasa harap ko.

"Miss, sorry kanina ah. Dahil sa akin tinamaan ka pa ng bola." Nilagay niya ang kamay niya sa batok niya na para bang nahihiya siya sa nangyari. Gah! Ang gwapo niya!

"Kaya nga siguro tinamaan na ako sa'yo." Iyan ang gusto kong sabihin pero syempre ay hindi ko ginawa. "A-ayos lang. Okay naman ako, e. S-salamat." Pinilit kong ngumiti gayong napakalakas ng tibok ng puso ko. Parang nakikipagkarera. Hiniling ko na lang na sana ay hindi niya naririnig.

"Oh, that's good to hear." Ngumiti siya uli dahilan kung bakit mas lalong sumingkit ang mga mata niya. "I am Kit Castro, by the way." Nilahad niya ulit ang kamay niya. Napatingin ulit ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Oh my gulay! Bakit ang swerte ng first day ko sa high school?!!!

Tinanggal ko iyon kahit na nanginging ang kamay ko. "Cinder.. Uhm.. Cindy Ferrer." Ngumisi ako. Muntik ko nang masabi ang buo kong pangalan. Buti na lang at napigilan ko. Nakakahiya, baka pag nagkataon ay pagtawanan niya lang ulit ako.

"Ah.. Nice meeting you, Cindy." Ngumiti siya ulit. "Sige, Cindy. See you around." At umalis na siya doon.

Natulala lang ako sa pwesto ko at pinagmasdan siyang umalis kasama ang mga kabarkada niya. Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. Parang aatakihin ako.

"Hoy Cindy! Ba't nakatunganga ka pa d'yan?! Halika na! Male-late na tayo!" Hampas ni Donnalyn sa akin na siyang nakapagpagising sa akin sa reality. "Itong babaeng 'to talaga." Bulong pa niya sa sarili.

"Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Ha, Cindy? Hindi lang tayo nagkasabay pumasok kaninang umaga parang ang dami ko nang namissed na happenings sa buhay mo." Puna niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makausap ng matino. Paulit-ulit kasing nagrereplay sa utak ko 'yung nangyari kaninang umaga. Linga rin ako nang linga nagbabakasakaling makita ko ulit siya. But I didn't.

"Wala, Donna." Pilit akong ngumiti para sabihing ayos lang ang lahat sa akin. Na hindi malakas ang tibok ng puso ko. Na normal lang ang araw na ito para sa akin. Kahit hindi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fairytale FailWhere stories live. Discover now