CHAPTER 2

31 1 0
                                    

[Leigh's Pov]

"Anak," tawag ni mommy kaya naman agad akong nagising, "bakit po?" tanong ko sa kaniya.

"Kuya mo, nakauwi na ba?" she asked, "hindi ko po alam, hindi ko po napansin, sandali at hanapin ko--"

"Nandito lang ako, para naman kayong ewan," natatawang sabi nito at may hawak na hindi ko alam, mukang pagkain, "ano iyang hawak mo?" I asked.

Itinaas naman niya iyon, "barbeque, gusto mo?" he asked at ako nama'y patay gutom ay tumakbo nga papunta sa kaniya't kinuha ang barbeque na dala niya.

Pumunta nga kaming kusina at doon namin nilantakan ang pagkain.

"Mom, p-pwede po ba akong mag-aral sa America?" Napatigil pa ako sa pag-nguya dahil sa sinabi ni kuya, nakayuko siya, hindi nakatingin ng deretso kay mommy.

"Levi--"

"I know mom, please, I just want to see her, but I promise, mag-aaral ako ng maayos," he promised and begging.

"Levi, huwag kang magdesisiyon na parang ang dali lang ng lahat," biglang sulpot ni daddy, "dad, pangako po, hindi ko po sisirain buhay ko---dad?" gulat na sabi nito nang ilapag ni daddy ang papers sa harapan niya.

"Your flight is on tuesday, nai-transfer na kita sa pinasukan ko noon, lahat ay ayos na, you've been asking this last month pa so I processed everything, isa lang ang gusto kong gawin mo, ang ayusin mo ang pag-aaral mo, kung sinisira mo lang buhay mo doon, ako mismo ang kakaladkad sa iyo pabalik ng Pilipinas," sabi ni daddy, mayroon man sa kaniya ang sama ng loob sa bawat sinasabi niya ay makikita ko namang nag-aalala lang siya kaya ganoon na lamang siya magsalita.

Walang pagdadalawang isip ay niyakap ni kuya si daddy, samantalang hindi ko pa magawang iprocess ang lahat ng nangyayari.

"Bakit hindi mo man lang ako tanungin, kung payag ba ako?" Puno ng hinanakit sa boses ni mommy.

"M-mom."

Tumayo si mommy at umalis ng kusina, narinig ko lang ang mga yabag nito paakyat ng hagdan.

Kuya sighed at para itong nawalan ng pag-asa.

"Mag-isip ka muna Levi, pero kung desidido ka, convince your mom, we did everything we could to help you, pero nawawalan kami ng silbi kasi hindi mo man lang kayang buksan iyang mata mo para makita na meron pa kaming sumusuporta sa iyo, you are being selfish Levi," sabi ni daddy at umalis na din.

Nakita ko kung paano sabunutan ni kuya ang buhok niya pero heto ako ngumunguya lang.

"Ikaw, may sasabihin ka din ba?" sabi nito sa akin, "wala, hindi naman ako ang nagbayad sa ginasto nila sa iyo eh, wala naman akong kinalaman sa pagbili nila ng diapers at gatas mo noong bata ka at kung paano ka pinalaki, ano namang irereklamo--hoy! Iiwan niyo talaga ako lahat?" tanong ko dahil bigla din siyang umalis.

"Wala ka kasing kwenta kausap Leigh," aniya bago tuluyang makalabas ng kusina.

Natawa lang ako pero iniisip ko din ang nangyari kanina, unti-unti ko palang itong pinoproseso, pero maski ako ay hirap na hirap tanggaping lalayo si kuya.

Umiling-iling nalang ako at inubos ang paa ng manok.

Hindi nga nagtagal ay bumalik na ako sa kwarto ko para lang maligo.

Nang matapos ako'y kinapa ko ang cellphone ko sa aking bag pero hindi ko na mahanap, namewang ako at pumunta sa kwarto nina mommy at nakita kong nag-iiyakan sila ni kuya, kaya sumadal muna ako doon hanggang sa matapos sila.

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•Where stories live. Discover now