CHAPTER 3

35 4 1
  • इन्हें समर्पित: Kleinthour
                                    

[Leigh's Pov]

Nakatayo ako dito sa gilid habang naghahanap ng pwedeng maupuan.

"Hoy! GL! PRI! DITO!"

Natawa ako sa tumawag sa akin dahil bawat salita nito'y may diin.

"Inamo Balagtas, para kang nakakita ng Pogi ah," tawang tawa na sabi ko.

"Gag* 'di nga kita nakilala, ang pogi mo," sabi nito, tawang tawa naman akong lumapit sa gawi niya, "paano ba 'yan, pogi ka nalang kapag wala ako," pagyayabang ko sa kaniya at humagalpak naman ito ng tawa.

"Atleast may jowa, ikaw ba?" nakangising aniya kaya kinaltukan ko ito.

"Hindi ba talaga kayo marunong mahiya? Leigh at Balagtas?" biglang nanahimik si Balagtas samantalang nginisihan ko lang si Donovan, "saan ba makakabili niyan?" 'Ka ko, at dahil karamihan sa tao dito'y barkada ko kaya tinawanan ako, ngunit nanahimik nang taliman ni Donovan sila ng tingin.

"Tumatanda kang walang natututunan, ano?"

Tumawa ako, at sa pagtawa ko'y nakisabay si Cullen at Amora.

"Wala naman talagang natututunan 'yan, lagi ngang tulog at wala," Sabi ni Amora na dahilan para umalingawngaw na naman ang tawanan, napailing si Donovan na may kaunting ngiti sa labi nito at naupo na lang din sa kaniyang upuan.

Hindi nga lang din nagtagal ay dumating na ang guro namin, agad din namang umayos ang lahat.

"Okay everyone, magsama-sama ang magkakasection sa side na ito at ang kabila naman ay dito sa kabila," Instruct ng guro namin and within 5 minutes ay naiayos nga namin lahat, at nagpapayabangan na ang magkabilaang grupo samantalang ako naman ay walang pakealam.

"Alright, everyone, let's get started with our informal debate! Today's topic is whether being a high honor student matters in real life or not, Honor versus Practical Success. We have two teams, one arguing that it does matter, and the other arguing that it doesn't. Kaya naman pumunta dito ang dalawang representative para piliin kung pro or cons kayo," sabi ni Cher, kaya naman agad pumaharap ang magbubunot at ang class president nga namin ang pumunta at natawa pa ito nang cons ang napili niya.

" We'll start with the team arguing that being a high honor student does matter," aniya dahilan para umatungal ang mga kaklase ko.

Agad din namang nangantyaw ang kabilang grupo kaya ang klase namin ay napakamot nalang ng ulo.

"Okay, so shall we start?" he asked, at mayabang nalang na sumang-ayon ang grupo namin, kaya ako nama'y tamang pumagilid, ano namang maiaambag ko diyan?

"I am going to give you five minutes to talk with your classmates, and after that, please present your opening statement." Dagdag niya, napairap ako, mukang hindi napaghandaan ang activity na ito.

Lumipas nga ang limang minuto na parang bubuyog ang lahat sa pagbubulungan sa gagawin.

"Ehem!" The representative of the other team cleared her throat, "So, being a high honor student definitely matters. It showcases your dedication, discipline, and strong work ethic. High grades can open doors to better college opportunities and scholarships, giving you a head start in your career. Employers often value a strong academic record as it reflects your ability to learn and adapt. Plus, the skills you develop while striving for excellence will serve you well in any endeavor," aniya at napatango-tango naman ako dahil tama nga naman, kasabay ng hiyawan nila doon.

"Pukingsinabaw nito, bakit ka sumasang-ayon eh dapat hindi, hampasin kita eh," sabi ni Cullen na nasa tabi ko pala, I just stock my tongue out at her.

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें