CHAPTER 4

45 1 0
                                    

[Leigh's Pov]

"TABEEEE!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa paaralan namin, hindi na ako makapag-isip ng tama, hindi ko alam kung ano ang nangyari, nadawit lang ako sa gulo, at maling mali na pumasok ako ng paaralan dahil sinundan din ako.

Bigla ay may nakahablot ng damit ko at bigla akong nilock sa leeg, ni hindi ko din alam gagawin ko dahil sa pagkataranta, maging ang mga estudyante sa paligid ay nagsitakbuhan na din palayo, at may iba pang gustong umawat pero armado ang mga kalalakihang ito, pinapalibutan nila ako ngayon.

"Kung hindi ka sana nakisali sa gulo kanina doon, e' 'di sana hindi ka nadamay ngayon," sabi ng isa kanina at sinipa pa ang paa ko, "bobo, paanong hindi masasali kung isa sa inyo ang kumapit sa salawal ko! Bobo ka ba! Nakita 'yung barbie kong panty!" sigaw ko sa kanila at mabilis na tinanggal ang pagkakasakal sa akin at pumustura para maging alerto sa kung sino mang susugod.

"Bumibili lang ako ng kwekwek ko tapos huhubaran niyo 'ko, aba'y pati ba naman ata panty ko'y typpe niyo, pwede ko naman kayong bilha---oii!" sigaw ko nang tanggalin ng isa ang kaniyang sinturon.

"Oii, huwag po, bata pa 'ko kol, huwag ho koyaaaa,"nababaliw na din ako dahil hindi ko magawang matakot sa sitwasyong ito, halata naman sa kanila na bwisit na bwisit na sa akin, mayamaya pa'y isa-isang pumipito ang mga gwardya ngunit hindi sila natinag, hanggang sa biglang lahat ay susugod na, mabilis pa akong umikot para sipain ang isa sa muka kaya ayun bumulagta.

Hindi nga nagtagal ay madami na ding nakisali at naging rambulan ang nangyari, "putek GL! ano 'tong gulong pinasok mo!" sigaw ni Balagtas nang magkasalubong kami sa gitna ng rambulan, "Aahh, hindi ko alam, nadamay ako!" sigaw ko at muling sumipa sa sumugod at ganoon din sa Balagtas ay nanapak din ng mga susugod.

"Putek, anong gulo 'to Thara?" Biglang sulpot din Banjo na nakikipagbakbakan na din, gusto kong matawa dahil hindi lang sila, dahil madami pang ibang barkada ko ang nakisali.

Bigla akong napa-igtad nang may bumagsak sa harapan ko at nagulat ako nang makita ko si Donovan na nakikipagbakbakan na din kasama namin, bukas na ang lahat ng butones niya, may bitak sa ibabang labi at punit kwelyo nito, "ULO!" sigaw niya at pwersahan akong pinayuko bago sumipa sa nasa likod ko, kaya gumapang ako at bigla ding napatayo.

"ARAY!" sigaw ko at napasapo sa bunbunan ko nang may natamaan ang baba ng kalaban, "grabe, nananaksak sa talim ang baba mo," anas ko habang hilong-hilo naman ang natamaan ko, "HA!" I shouted kasabay ng pagsipa ko sa muka nang kung sino na namang susugod.

"Leigh!" napalingon ako kay Donovan at bigla niya akong hinila at pinaikot sa likuran niya kasabay nang kaniyang pagyuko at nagsilbing sandalan ko ang likod nito para masipa ko ang dalawa pang akmang aatake.

Nagtagal nga ata ng ilang minuto ang bakbakan bago kami naawat ng mga guro na maging si Donovan ay hindi nakalampas sa pagkadis-appoint ng mga guro.

Mabilis nga ding nareport at nahatid na sa pulisya ang mga lalaking nakigulo dito, ngayon naman ay nakaharap kami dito sa office ni dean, lahat ng nainvolve sa gulo at 'yung hiya sa kalooban ko'y sobra sobra pero taas noo pa rin akong nakaharap.

I never thought things would get this bad. It was just supposed to be a bit of fun, a way to let off steam, but now I'm sitting here in the Dean's office, heart pounding, as he scolds me for my involvement in the rumble that happened a while back.

I can feel my face flush with embarrassment and shame as Dean stern gaze drills into me. "Leigh, do you realize the seriousness of your actions?" he booms, his voice echoing in the small office. "You were the cause of that entire brawl. It's your irresponsible behavior that led to this chaos."

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•Where stories live. Discover now