Chapter I

1 0 0
                                    

Sky's POV

  For now, I'm just sitting here at the terrace with our Lola's house kasi wala akong kasama sa bahay namin which is sa likod lang nang malaking bahay na ito.  Ang nanay kasi namin ay isang ofw sa riyad habang si tatay napapasada ng uv express na siyang pag mamay-ari ng tito namin na nasa canada. Kapatid ko? Yung isa may pamilya na at naninirahan sila sa probinsya. Every summer lang sila nagbabakasyon dito. Yung isa nagpart time. Ako? Wala tinamad tsaka kailangan ko din magpahinga. At yung bunso naman ewan, baka na sa galaan.

" Kay asan na naman si Claud" rinig kong sigaw ni lola.
"Hindi ko lang alam lah, di nagpaalam eh" sigaw ko din.
"Pambihirang bata talaga napaka tuso di pa macontact".
" Kung ganito na wala sana kayong pasok, tulungan niya sana ang tatay niyo hindi sa pagalagala siya". sambit naman ni Tita Iya na kapatid ni nanay. Palibhasa isa kasi siyang guro eh.
"Si Claud po ba? Eh dinaanan kanina ni papa sa mall, o ayan na pala sila eh". Sabi ni Kuya Rain na kararating at sabay turo sa Van nila papa na kararating din.

Hindi na napaimik si tita at pumasok na sa loob. Napa iling din si kuya at kinindatan ako. Si lola anak niya si nanay, bale lima silang magkakapatid. Isang business woman, dalawang babaeng guro at ang bunso nila si tito, siya lang ang lalaki sa kanila at nakapag asawa ng Canadian.

" Hai la," bungad ni Claud.
"Kailan ka ba matuto na magpaalam ha" sabi ni lola at tinuro pa si bunso.
"Kapag may nobya na siguro la hahahah"
"Abay lintik na ba..."
"Kumain na po ba kayo ma?" Tanong ni tatay
"Ay oo anong oras na"

Tumayo na ako sa aking pag upo at lumakad na kami papunta sa bahay. Tinanong ni tatay kung kumain na kami. Si kuya Rain lang ang hindi. Buti may dalang pagkain sina tatay kaya kinain namin.

"Apay agung-unget man ni lolang yun? (Bakit nagagalit na naman lola niyo)" Ilocano kasi si papa at simula nang bata kami ilocano lang ang pagsasalita niya tuwing nasa bahay kami at naiintindihan naman namin yun kaso si kuya Rain lang ang magaling magsalita.
"Wun a! kasano mut gamin ni Claud saan kano manen nagpakadan" (Oo a! paano ba naman kasi si Claud hindi naman daw nagpaalam).
"Agpakada ka mut gamin nukwa a anak ko" (magpaalam ka naman kasi a anak ko).
"Aysus naman pa, naka bukod na nga tayo eh bakit kailangan ko pa magpaalam sa kanila. Bakit sila ba nagpapakain sa akin?"
"Haan ka man kasta Claud , tarimaanem ta pinag sasaom"(Huwag kang ganyan Claud, ayosin mo ang pananalita mo). Sabi ni tatay
"Tapos ni antie ado man naisao nan. Idi nakita na kayo nagpaunegen haha"(tapos si tita andami na naman nasabi. Noong nakita niya kayo pumasok na sa loob).
"Kontrabida talaga yun tsss." Sabi naman ni Claud.

Napailing na lang ako at niligpit ang pinag kainan namin pagkatapos ay dumeretso agad ako sa aking silid. Kinuha ko yung cellphone ko sabay higa at tinignan kung may nagtext. Nagmissed called pala si Kendra at may message pa ito.

>Psssssttttttt, nagawa mo na ba yung menu mo???

Tinamad akong magtext kaya tinawagan ko na lang.

"Woii bakit ngayon ka lang magparamdam huh? Kung saan may bebe time ako eih." Bungad niya
"E bahala ka sige na mag bebe time ka na lang"
"Oi ito naman di mabiro, ano tapos mo na?"
"Kung hindi? Gagawan mo ako?"
" Kaya nga nagtatanong eh, sa tamad mo ba naman gumawa".
"Alam mo naman pala eh bakit magtatanong ka pa?"
"Grabe naman toh"
"Haha bukas gagawin ko po madam."
"Sure yan?"
"Bakit diba kapanipaniwala?"
" Hindi hahaha kaya huwag mo nang gawin, gumawa na ako ng iyo."
"Ay sana ol, baka jejemon yan ah"
"Gaga favorite color mo yun"
"Ok alam ko naman eh.. o sige magbebe time ka na sawa na ako sayo eh."
" Apaka grabe mo na ah, oo na! apaka bitter ka lang eih.. huwag mo na kasi silang snobin yan tuloy."
"Kesa naman sayo na papalit palit aber?"
"Skkkkkyyyyyyy ahhh!!!"
"Hahahahahah o sige na maraming solomot... Bye bye"
" O sige na nga bye bye sky Sweet dream".
" Byeeeeee" sabi ko at pinatay at natulog na ako. Naalimpungatan na lang ako ng biglang may bumagsak sa higaan ko. Pagkadilat na pagkadilat ng mata ko pagmumukha agad ni Claud ang nakita ko.

"Pambihira naman Claud oh! Kita mong natutulog yung tao eh! Ano ba iniistorbo mo ako eh"
"Gisingin daw kita eh sabi ni kuya"
"Bakit kailangan mo pa tumalon sa higaan ko, itong bata ohh!! Ke-aga aga ehh"
"Maka bata ka naman ate ohh"
"Aysuss!! Syak laj kuma napan ditoyen.. basta da kayo, nakarkaro kay pay aso ken pusa. Agituy nga ubbing talaga, tsss tss tsss... (Hay naku!!! Ako na lang sana pumunta dito, basta kayo mas dinaig niyo pa ang aso't pusa. Itong mga bata talaga, tss tss tss..)" awat na sabi ni Kuya Rain. Kaya napatahimik kaming dalawa.
"Ano ba kasi yun Kuya?" tanong ko.
"May pupuntahan tayo pagkatapos ng service, kaya maligo ka na"
"Ang aga pa naman kuya eh"
"Aba malay namin kong mag aabsent ka nanaman" sabi naman ni Claud.
"Nagpaalam sana ako kagabi kung hindi ako makakasama. At saan ba tayo pupunta?"
"Hindi sinabi ni Papang basta surprise na lang daw."
"Oh sige.. kaya magsilayas na kayo dito."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our MoonWhere stories live. Discover now