Chapter 1: Goblin

727 63 17
                                    

May kapangyarihan ako. Oh, yes, tama ang nabasa mo, I have powers. Drum roll, please!

Ang bongga, 'di ba? I am one of the chosen few na binigyan ng kapangyarihan. 'Yun nga lang ay hindi ibinigay sa akin ang kapangyarihang mamili kaya 'eto ako ngayon pagod na pagod na.

Alam kong pinaparusahan ako kaya ako nandito kahit na ilang beses nang itinanggi ni Nana Nelena ang bagay na 'yun tuwing tinatanong ko s'ya.

"Nandito ka dahil isa kang espesyal na bata at ikaw ang may natatanging kapangyarihan upang bantayan ang lagusan patungong Adrasteia..."

Adrasteia. Hindi ko alam kung saan 'yun. Hindi ko rin alam kung ano ang tawag dito sa lugar kung nasaan ako. N'ung unang beses na lumabas ako sa bahay na ito ay 'yun ang una kong itinanong sa lalaking nakasalubong ko.

"Alam n'yo po ba kung nasaan si Nana Nelena? Ang sabi po kasi n'ya ay pupunta lang daw s'yang Adrasteia at babalik din po s'ya bago po magtanghalian. Pero, dapit-hapon na po ay wala pa po s'ya rito."

"Adrasteia? Baka Adriatico, Miss. Doon malapit sa Ermita at Malate 'yun. Kung gusto mo ay ihahatid kita d'un."

"Talaga po? Malayo po ba 'yun dito?"

"Malapit lang—"

"Pero, ang sabi po ni Nana Nelena ay malayo raw po ang Adrasteia."

"Kung lalakarin mo pero may bisikleta naman ako. Halika na, umangkas ka na sa akin para maihatid kita sa Nana Nelena mo—"

"What are you doing?" tanong ng isang bata na huminto sa harap naming dalawa n'ung lalaki.

"H'wag ka nang makialam, utoy—"

"Tagarito po ba kayo? Hindi po ba isa kayo sa mga construction workers na nagtatrabaho d'yan sa ginagawang bahay sa tapat?"

"Hindi, ah. Kilala ko ang batang 'yan. 'Di ba, kilala mo ako, 'Ne?"

"She's my cousin," sabi ng batang lalaki bago hinawakan ang kamay ko. "I will report you to the guard—"

Mabilis na umalis ang lalaki.

"Saan s'ya pupunta? Ang sabi n'ya ay dadalhin n'ya raw ako kay Nana Nelena."

"Are you looking for you yaya?"

"Anong salita 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?"

"'Yang ginagamit mo. Naiintindihan ko dahil nakakaintindi naman ako ng karamihan ng lengguwahe kahit bago lang sa aking pandinig. Pero, ngayon ko lang narinig 'yung salita mo. She's my cousin. I will report you to the guard. Are you looking for your yaya?"

Tumawa s'ya nang mahina. "English. Hindi ba 'yun itinuro sa school mo?"

"Hindi. Ibang salita ang ginagamit ni Nana Nelena kapag tinuturuan n'ya ako."

"Nana Nelena is your teacher?"

"Daye. Daye ko si Nana Nelena."

"Daye? What's that?"

"S'ya ang nagbabantay at nagbibigay-gabay sa akin."

"Oh, so I was right, she's your yaya. Pero, home-schooled ka pala if she's the one giving you lessons. Ano nga palang pangalan mo?"

"Paumanhin, pero, hindi ko pwedeng sabihin..."

Kumunot ang noo n'ya. "Bakit?"

"Ang sabi ni Nana Nelena ay tanging sa kabiyak ko lang daw pwedeng sabihin ang pangalan ko sa gabi ng meraesimi."

"I am confused. But, why do you talk that way?"

"May mali ba sa pananalita ko?"

"You don't sound like a kid. Ilang taon ka na ba?"

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Sep 18, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Impractical MagicTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang