CHAPTER 8

25 1 0
                                    

[Leigh's Pov] 

Pangalawang araw ko na sa pampublikong paaralan, at maaga ako ngayong gumayak, kayganda din ng ngiti ko, pagkababa ko nga ay naabutan ko ang mga magulang ko na nagkakape at nagulat din ata sila dahil maaga ako.

Medyo awkward akong ngumiti sa kanila at natawa naman si daddy, "aga ah, mukang inspired, naku naku, parang may pinopormahan tayo ah," sabi ni daddy kaya natawa ako at nakangisi lang si mommy, "excited lang naman, pero okay lang ba ako pumorma?" tanong ko at tinaasan nila ako ng kilay.

"Ikaw na pala ang manliligaw ngayon sa lalaki," sabi ni daddy at humigop ng kape kaya natawa ako, pero sa loob loob ko ay para akong nadismaya, 'sa babae po ako poporma eh' akala ko alam na nila na babae ang natitipuhan ko, nakakatakot umamin.

"Siyempre daddy hindi, una na ako!" sigaw ko at agad na nga ding umalis, kinuha ko na agad ang motor ko at nagmaneho na papunta sa school, may kalayuan ngang talaga mula dito sa bahay pero ayos lang, kaya naman.

Nagmaneho nga ako na parang isang daan ang buhay ko hanggang sa nakarating nga lang din ako ng mabilis doon at pagkapasok na pagkapasok ko nga ay si Donovan ang nakita ko sa harap ng gate kaya agad akong pumasok at narinig ko siyang tumawa.

"What are you laughing at?" I asked, "you are no longer in VIS sweetie," aniya and my lips formed an 'o' when I realize that kaya natawa din ako, "miss mo na doon?" he asked, I lughed and shook my head, "I don't, mas gusto ko dito, mas malaya," sagot ko at ngumiti lang din siya at naglakad na ako para pumunta ng classroom nang may nalingunan akong mga kalalakihang nakasilip sa corridor kaya nakisilip din ako.

Nakita ko ang isang plastic na nakaharang sa daan na hindi nga ito mahahalata dahil transparent, kaya kapag hindi ka naging aware, sasabit ang muka mo.

Natawa ako at naexcite din bigla, "Lester!" tawag ko sa kaklase ko na kalalabas ng silid at lumingon, napangisi ako dahil sa ideyang tatawagin siya para sumabit sa plastic, "halika dalian mo!" sigaw ko at nilingon ang tatlong lalaki na may pakana ng plastic na ito at kinindatan ko sila.

Natawa ang mga ito at nag-apir'an pa sa excitement, nakita ko naman na tumakbo si Lester at gaya nga ng inaasahan ay nasampal sa muka niya ang plastic na iyon at ganoon na lamang din ang aking pagtawa,"walanghiya ka Leigh! humanda ka sa akin!" aniya kaya agad akong tumakbo habang natatawa.

Hinabol nga niya ako paaba ng hagdan at sumuot suot ako sa mga estudyante para maging hadlang, tawa ako ng tawa dahil nga sa nangyari, hindi ko naman mabakas sa itsura nito na naiinis siya, natatawa nga din ito, nag-eenjoy sa habulan session namin, at heto ako parang lalaki na tinatalon ang mga halaman na nakarang .

"Oiii! Gian! Si Lester, nababaliw na!" Sigaw ko nang makita pa ang kaklase naming isa na kapapasok lamang, agad akong nagtago sa likod nito at nakipaghabulan pa rin kay Lester habang inikot si Gian.

"Hoy! Nahihilo ako sa inyo, ang aga-aga!" Sigaw ni Gian, "pre, huliin mo!" ika ni Lester, "huwag kang makinig diyan, huhugutin ko brip(brief) mo," banta ko pero tumawa lang ito, mabilis na hinawakan ako ni Gian kaya natigil ako sa pagtatatakbo sa likod niya.

"Hoy! madaya! Ang daya naman! Walang kampihan!" Ang boses ko ay umaalingawngaw na pero natatawa lang ang lahat sa ginagawa ng dalawang ito sa akin, paano ba naman kasi, binuhat ako pero para akong baboy na kinakarga, hawak ni Gian ang dalawang kamay ko habang hawak ni Lester ang mga paa ko.

"Ayan, yabang-yabang mo ha, ganiyan ka hanggang sa maiakyat namin sa room, akala mo ha!" sabi ni Lester at talaga ngang binuhat nila ako na ganon at panay nga din ang tawa ko at pagpupumiglas, wala ngang ni isa ang tumulong sa akin at natutuwa sila sa nakikita nila.

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•Where stories live. Discover now