CHAPTER 10

23 1 0
                                    

[Leigh's Pov]

"Oi Leigh, jamming!"

Panibagong araw na naman at umagang umaga maynagtatawag sa akin para maakijamming na naman.

"Aba'y kaaga ng jamming ah," sabi ko at itinago ang earpods ko.

Lumapit ang mga binatilyong ito habang dala ang gitara.

"Papaturo pa ako," aniya kaya natawa ako, nilabas ko ang cellphone ko at ibinigay sa kaniya ang mga application sa kung paano matuto ng iba't ibang chords.

"Ayuuunn, kaya pala may nangangamoy tinapa, nandito na si pareng Leigh!" Sigaw ni Gian kaya napalingon ako, at nakita kong magkasama sila at ni Safira.

I smiled at Safira at nahihiya naman itong ngumiti sa akin at nakabuntot si Lester.

It's been a week since that incident, si Clark, nasa kamay na ng pulisya, madaming nagtestiminyo sa kagaguhan niya.

"Naks, ganda mo ngayon ah," I complimented, "siyempre, ako ba naman kasama, gaganda talaga, lalo kaming nagiging bagay, 'di ba Safira?" Sabat ni Lester at inakbayan ang babae, natatawa naman si Safira dahil kay Lester.

"Galing-galingan mo, baka maagaw ko pa 'yan sa 'yo," biro ko, af suminghal si Gian, "ang bantot mo," kontra nito.

I just made a face at hinarap muli ang mga binata, "add me on facebook, I'll send it all to you," sabi ko at masaya naman itong tumango tango.

"Ayan na naman siya sa kakaenglish niya, nakakabanas ka naman kausap," pambabara na naman ni Gian.

"E' 'di mabanas ka, kahit mangisay ka pa," banat ko at lumakad, tawang-tawa naman silang sumunod sa akin.

"Oii Leigh! May bugbugan daw mamaya, sali ka!" sigaw na naman sa kabilang dako.

I raise my middle finger, "fvck you!" tawang-tawa naman silang namakyu pabalik.

Habang naglalakad nga kami papunta sana roon ay nakita ko si Donovan na nakaauniporme na, astig, bumagay naman kahit papaano.

Nagkatingin lang ako sa kaniya dahil papalapit ito sa gawi ko.

"Tignan niyo, pupuntahan ako niyan," pagyayabang ko, "siyempre nakakita ba naman ng cute na aso, kung ako din ay, lalapitan ko," nakakabwisit na banat ni Lester.

"Sama sama mo talaga," natatawang sita ni Safira.

"Alam mo kasing yang si Donovan, nirerespeto niya ang mga hayop, 'no Leigh?" malakas ang bunganga ni Lester na sinabi iyon, nakita kong minataan siya ni Donovan.

"Then I respect you." napahalakhak ako ng malakas nang hindi maipinta sa muka ni Lester ang inis o matutuwa ba sita dahil sa sinabi ni Donovan.

"No wonder nga, talaga namang nirerespeto ang hayop," dagdag ni Gian na ikinasimangot ni Lester na sinabayan ng mahinhin na mataray na tawa ni Safira dahilan para lingunin din siya ni Donovan kaya napangiti nalang ito ng mataray.

"Alam kong maganda siya pero ako kailangan mo 'di ba? So ano 'yun?" panglilihis ko sa paningin ni Donovan kay Safira, tinaasan niya ako ng kilay kaya nginisian ko ito.

"Let's go to the office-"

"Excuse me!!?" Gulat na saad ko dahil sa sinabi niya.

"I didn't do anything wrong yet," kunot noo kong sabi sa kaniya, "who the fvck told you that you did wrong, can't you just come without complaining?" he sermoned.

UNWAVERING ADORATION [SERIES #5]  •ON GOING•Where stories live. Discover now