Unang Karanasan-Chapter 1

1 0 0
                                    


Intro: Hindi lahat ng mga nakikita mo ay totoo minsan pinaglalaruan ka nalang ng iyong isip dahil sa sobrang pag-iisip ng hindi mo namamalayan may negatibong epekto sayo kaya bigla ka nalang nag-iisip ng mga aswang, engkanto o multo ng hindi mo namamalayan na pinaglalaruan ang iyong isipan ng mga diablo. 

Sender: Karanasan ito ng nakilala kong babae na si Fey isang transfer student dito sa WVSU Main na matatagpuan sa Lapaz, Iloilo City bilang isang 1st year College BSCS or Computer Science, kasama niya ako ng may ginawa siyang kalokohan dahil gusto niyang patunayan sakin ang mga haka-haka dito sa uniberdsidad namin na mayroon daw nagpaparamdam tuwing

 alas-dose ng hating gabi hanggang alas-tres ng umaga dito nga sa Quezon Hall dahil noong WW2 ay ginamit itong bilang garrison ng mga sundalong hapon dito sa Iloilo pinaniniwalaang may under ground tunnel sa ilalim ng building na ito malapit sa Iloilo Mission Hospital dahil isang araw habang nagpapahinga ang aming mga propesor at iba naming kamag-aral biglaan

 nalang nagbukas sara ang pintuan, ilaw at bintana kaya sa takot nila pinagpasiyahang nilang magpalipas ng gabi sa Home Economics Building isa pang nakapagtindig ng balahibo namin ng malaman naming may isang sundalo ang gumamit ng makenilya upang mag-iwan ng sulat ngunit bigla nalang itong naglaho na parang bula sa office ng Dean, mabalik nga tayo sa

 kuwento mabuti nalang hindi ako nadamay sa ginawa niya habang kami ay napag-utusan ng aming mga kaclose na mga trabahador doon sa unibersidad kung maari daw ba naming silang tulungan sa clean up drive dahil kakaunti lamang ang mga nakaduty ng gabing iyon at dahil bukas nga ang anniverary ng aming unibersidad kaya pumayag kami, ilang sandali pa ay

 nagkatinginan kami ni Fey at sabay tango takang taka ang mga trabahador sa kinilos namin hindi namin napapansin na kumagat na pala yung dilim halos alas onse emidya na kami natapos sa paglilinis sa loob ng campus at pinasalamatan kami ng mga trabahador sabay abot saamin ng dalawang sisig burger na ikinatuwa naman nitong si Fey at umalis na sila habang

 kami ay patungo sa may lababo malapit sa QH parang pinupukpok ng martilyo ang dibdib ko dahil nawala na sa paningin ko si Fey ng mga oras na iyon luming linga ako sa paligid para hanapin yung aligaga nayun ng malapit na ako sa lababo tumambag sa harapan ko si Fey, "Huy, ano ka ba naman nasisiraan ka na ng ulo" ani ko, sabay tawa lang siya ng tawa dahil

 hindi daw pinta mukha ko sa gulat ng babatukan ko na sana si Fey nakaagaw ng atensiyon ko yung isang bintanang bukas sa QH na kanina naman ay nakasara sa sobrang kati ng kamay at braso ko dali dali na akong naghugas sa lababo at laking gulat ko naman na kakarating lang ni Fey dahil nagpasama pala yung isang matabang ale na trabahador sa kabilang building para

 tingnan kung nakasarado ba yung mga bintana at pintuan minsan kasi may mga estudyanteng nahuhuling natutulog sa loob ng mga kuwarto o may mga ginagawang kababalaghan sa loob kaya mas mabuti nading double check habang naghuhugas napansin ni Fey ang panginginig ko na parang pinagpapawisan ng malamig dahil siguro sa takot samahan pa ng pagod, "Oh namumutla ka yata para kang nakakita ng multo?" tanong niya sa akin sabay tawa ng

 nakakarindi sa tenga ewan ko ba sa pagkakataong iyon kung pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko matapos nga kami sa paghuhugas ay umupo muna kami sa mga benches na malapit sa HE building habang kumakain ng sisig burger hindi ko talaga maalis ang aking paningin sa nakabukas na bintana sa QH parang may anino ng isang lalaking sugatan ang nakatingin sa

 direksiyon kung saan kami nakaupo ni Fey, oo ngapala nakalimutan kong sabihin na SG President ako dito sa campus at si Fey naman ang maganda naming sekretariya kaya dito kami nagpalipas ng gabi dahil nadin sa pinakausapan kami ng aming punong guro na ihanda yung mga t-shirt na pinagawa namin parasa selebrasyon bawat departamento sa iba't-ibang kurso,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WVSU Terrors- Unang KaranasanWhere stories live. Discover now