{1} - Time Travel...

125 9 3
                                    

Chapter 1 - Another day, another low grade in Araling Panlipunan (history)

*Carmen Epinoza's POV*

"Good morning, grade 11!" sigaw ng aming prof. Ang aking mga kaklase ay nagulat na makita ang aming guro. Bigla-bigla naman kaming tumayo, "Goodmorning, Professor!" bati namin sa kanya.

"Class, may isa lamang akong sasabihin." sabi niya habang nakatingin sa amin isa isa. "May quiz ngayon." mabiro nyang sinabi.

Narinig ko ang isa naming kaklase na ang sabi ay; "Why naman ganon ms, wala pa po akong stock-knowledge..." sabi nila habang nagkukunwaring pinupunasan ang kanilang luha.

May pumasok galing sa pinto, "Kaibigan ko?, hala!, birthday nya nga pala ngayon! nakalimutan ko!!" sabi ko sa aking sarili.

"Nagbibiro lang naman ako, class!. Pero meron tayong bagong discussion ngayong week na ito." huminto sya ng ilang segundo, hanggang sya'y nagsalita muli. "Ang ating discussion ngayong week na ito ay, ang tatlong paring martir." yun and kanyang dinagdag.

( 1 hour later <3)

"Ipapagpatuloy natin ito bukas. Paalam, grade 11!" pahayag niya. "Paalam, binibini!, magkita-kita tayo muli!" bulalas namin.

Kinuha ko ang aking gamit, at mabilis na lumabas ng classroom, nagmadali akong pumunta sa kung saan sila nagtitinda ng ice-cream.

"Ah, salamat ate!" sabi ko nung binigay na saakin ang aking ice-cream.

"grabe, ang init.." bulong ko sa sarili ko. At umalis na ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

(at home)

"May assignment nga pala sa AP." sabi ko habang nakatingin sa computer ko.

"Gagawin ko, kahit mahirap. HAHAHHA" tumawa ako sa sarili ko.

Inabot ko ung libro ng El Filibusterismo, kung saan puede ako makakakuha ng impormasyon tungkol sa tatlong paring martir.

"Wait, magdedesign lang muna ako, para presentableng tignan." Ipinaliwanag ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang libro, at nagsimulang magsulat ng isang talata.

(literally like 2 minutes later)

"Grabe, pinatay pala sila?. Dahil akala ng mga espanyol na sila ang nagsimula ng mutiny?, nakakaawa naman."


(1 hour later)

Hinde ko namalayan ang oras, 12 AM na pala?. Inaantok na ako.. malapit ka na matapos, Carmen. Tapusin mo na yan.

Tinapos ko na ang aking assignment, at ilinagay ko na sa aking bag, at pumunta sa banyo upang magpalit ng damit.

Pagtapos kong magpalit ng damit, agad-agad akong pumunta sa higaan ko, ang aking katawan na mahinang-mahina na ay humiga na sa higaan ko at kinumutan ang aking sarili.

Sinara ko ang aking mga mata, at maya-maya, tulog na ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

"Binibini... Por favor, despierta. (Please wake up)" Sabi ng isang boses, hinde ko alam kung sino ito, kasi ang aking mga mata ay ayaw bumukas. Ngunit, wala na ako narinig pagkatapos nun.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe, thank u sa mga nagbasa HSHSHSHHSH lab u alll

𝙋𝙤𝙧 𝙛𝙖𝙫𝙤𝙧 𝙣𝙤 𝙙𝙚𝙟𝙚𝙨 𝙦𝙪𝙚 𝙩𝙚 𝙨𝙪𝙚𝙡𝙩𝙚 𝙖 𝙩𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙗𝙞𝙚nWhere stories live. Discover now