{5} - Earthquake

85 5 2
                                    

Chapter 5 - The Day we lost Padre Pedro Pelaez.

*Padre Jose Burgos' POV*

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Isang gabi, kami ay nagaaral para sa aming nalalapit na exam. Tapos may naramdaman ako na may parang gumagalaw..

"LINDOL!" aking isinigaw, at agad-agad kong tinakpan ang ulo ng aking kaibigan at kami ay tumakbo palabas.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Hinanap ko sila Carmen, Padre Pelaez at Padre Gomez.

Yung una kong nakita ay si Carmen, agad-agad niya akong yinakap.

"Carmen, nasaan sila Padre Pelaez?" tinanong ko

"Ang alam ko lang ay si Padre Gomez ay tinutulungan ang ibang tao para makaalis, pero si Padre Pelaez hinde ko alam kung nasaan!" sinagot niya saakin na tumutulo ang luha at sugat-sugat.

"Tahan na, dito ka lang, hahanapin ko si Padre Pelaez." sabi ko sakanya at umalis.

"Nasaan si Padre Pelaez?!" tanong ko sa lalake.

"Hinde ko po alam!" sagot ng lalake.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Umakyat ako kung saan sila naghuhukay, at kung saan sa tingin nila si Padre Pelaez. Tumulong ako sa paghuhukay.

"PADRE PELAEZ!" aking sinigaw, sinuntok ko na ang mga bato.

"DON PEDRO!" muli kong sinigaw, ngunit.. wala na kaming na gawa.

Bumaba ako, puno ng luha ang mga mata ko.

"Jose, si Don Pedro, nasaan?." tanong ni Padre Gomez.

"W-Wala na siya..." umiyak ako.

"J-Jose, anong ibig mong sabihin?" tanong muli ni Padre Gomez, ang kanyang mga kamay niya ay nasa aking mga balikat.

" ¡Se quedó atascado entre los escombros e intentamos sacarlo!, ¡pero fue inútil.. Lo intenté.. Traté de... Traté de sacarlo.. (He got stuck in the debris and we tried to get him out!, but it was no use!.. I tried.. I tried to...I tried to get him out!..)" aking sagot habang umiiyak.

Yinakap ako ni Carmen, "Tahan na, Jose. Naiintindihan kita.." sabi nito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Te encomendamos humildemente, Señor, a nuestro hermano, don Pedro Peláez y Sebastián, a quien en esta vida mortal siempre has perseguido con inmenso amor, con tu Hijo y el Espíritu Santo, por los siglos de los siglos. (We humbly entrust to you, Lord, our brother, Don Pedro Peláez y Sebastián, whom in this mortal life you have always persecuted with immense love, with your Son and the Holy Spirit, forever and ever.)" sabi ng Padre.

"Amen" aming sagot.

"Paalam... aking mentor... aming pinuno...aming ilaw...ngayong wala kana...parang natulak na naman tayo sa dilim... Pero ramdam ko pa rin ang presensya mo, sa maikling flashes. Sa araw na ako'y inordenan, narinig ko ang iyong tinig. 'Ang mga sekular na pari na ipinanganak sa Pilipinas ay may kakayahan, maliwanag at higit sa lahat, mas malapit sila sa mga katutubo!.' Nang matanggap ko ang aking doctorato sa Canon Law, narinig ko na naman kayo. 'Ang ipinaglalaban natin ay pagkakapantay pantay, para sa lahat ng ipinanganak sa Pilipinas.' Hinding hindi ka malilimutan, Don Pedro." sabi ko sa aking sarili.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Padre." aking sinabi.

"Pepe!" sagot ni Padre Gomez.

Ibinigay ko sakanya ang hawak-hawak kong diaryo.

"'Lahat ng parokya ay dapat ilagay sa ilalim ng pangangasiwa ng mga prayle. Hindi na natin mapagkakatiwalaan ang mga sekular na pari, dahil nabigo sila sa pamamahala ng kanilang mga parokya. Ang magaling sila ay ang pagpapalaganap ng mga binhi ng paghihimagsik. Isang halimbawa nito ay ang yumaong si Padre Pelaez, na tila nakipagkita sa mga indio rebels ng Cavite...'. Hijo de....May apdo sila para magsalita ng masama tungkol sa mga patay?" galit na sinabi ni Padre Gomez

"Alam kasi nila na hinde na makakasagot sakanila si Don Pedro kasi patay na siya." aking sagot sa galit nya.

Si Carmen ay nakaupo ng tahimik, walang masabi, walang magawa kundi kumain. Ayaw niya kasi masama sa mga problema ng mga pari.

Umupo ako at kumain, biglang nagsalita si Padre Gomez, "Anong binabalak mong gawin, Pepe?"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Sa bahay ni Jose)

"Isang manipesto, hindi lamang para ipagtanggol si Padre Pedro Pelaez kundi para itulak ang adhikain ng mga ipinanganak sa Pilipinas." aking isinulat.

"Jose, gabi na, matulog ka na!" sabi ng aking prima, na walang iba kundi si Annatalia.

"Oo na." aking sagot sakanya.

"Carmen, ikaw din, gising ka pa?." tanong ko kay Carmen.

"Oh... ah... ako po? Uminom lang po ako ng tubig. Matutulog na rin po ako." sagot niya

"Hmm, grabe, mukhang mas bata pa siya kesa saakin. Pero ang ganda niya." sabi ko habang naka tingin sakanya at naka ngiti

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

""Ayer les pedí que leyeran lo que Santo Tomás de Aquino escribió sobre los derechos naturales y los derechos humanos" Según Santo Tomás de Aquino, ¿cuál es la ley natural fundamental y la ley humana?. ¿Alguien puede explicarlo?. ("Yesterday, I asked you to read what Saint Thomas Aquinas wrote about natural rights and human rights" According to Saint Thomas Aquinas, what is the fundamental natural law and human law? Can anybody explain?)" Tanong ko sakanila.

"Tal vez haya un problema de comprensión. Permítanme decirlo en otro idioma. (Maybe there is a problem in understanding. Let me say that, in another language.) Marahil, masasagot niyo na ang tanong ngayon? Mas komportable ka kayo?." aking sinabi.

Itinaas ni Don Felipe Buencamino ang kanyang kamay, " Don Felipe Buencamino, ano ang iyong kasagutan?"

"La ley natural se aplica a todos los seres humanos y no cambia. Hinde nagbabago.Pero la ley humana puede variar con el tiempo, el lugar y las circunstancias. It can change.(Natural law applies to all humans and doesn't change. But human law could vary with time, place, and circumstances.)" sinagot niya, at pinalakpakan namin siya.

"Muy bien! (Very good!)" aking sinabi.

"Suface ang katalinuhan mo kapag nagkakaintindihan tayo." aking sinabi muli.

"Padre Burgos?" tanong ni Don Paciano Mercado.

"Don Paciano Mercado, Si?"

"Totoo po bang kayo po ang nagsulat ng manifesto ng "Los Filipinos"?" tinanong niya

"Paano nila nalaman yan.." tanong ko sa aking sarili.

"¡Viva el rey Burgos!" isinabi ni Paciano,

"¡Viva el rey Burgos!" kanilang inulit, at ako'y walang nagawa kundi tumawa.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

𝙋𝙤𝙧 𝙛𝙖𝙫𝙤𝙧 𝙣𝙤 𝙙𝙚𝙟𝙚𝙨 𝙦𝙪𝙚 𝙩𝙚 𝙨𝙪𝙚𝙡𝙩𝙚 𝙖 𝙩𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙗𝙞𝙚nWhere stories live. Discover now