{6} - War

76 5 7
                                    

Chapter 6 - Padre Jacinto Zamora

*Padre Jacinto Zamora's POV*

---------------------------------------------------------------------------------

Ako'y pumasok na sa kung saan kami'y nag susugal.

Umupo ako at may ilinabas na papel at sinabi, "Simulan na natin ang gera!, ¡Que comience la guerra de reyes y caballeros! (Let the war of kings and knights begin!)" sabay tawa.

"El padre Zamora es mi amigo a pesar de que él es sacerdote secular y yo soy fraile. (Father Zamora is my friend even though he is a secular priest and I am a friar.)" sagot ni Padre Teressera.

"No tengo ningún interés en la política eclesiástica, padre Teressera. Todo lo que quiero es ganar!." sabi ko habang nakatingin sa aking mga baraha.

---------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos naming maglaro ay umalis na rin ako, nadaanan ko sila Padre Burgos na may kasamang babae.

"Oh, Padre Burgos?, ikaw ay may babae na pala!" loko-loko kong sinabi.

"Padre Zamora, kaibigan ko lang ito. Pauwi lang kami sa bahay ko." tumingin siya saakin ng masama, na parang may ginawa akong hinde niya nagustohan.

"Oh sige na, umuwi ka na!" tinaasan ko ung boses ko, at tinaas ko rin ang aking kamay na sinenyasan ko silang umalis na.

"Parang ang ganda nung kasama ni Burgos kanina, ah." sinabi ko sa sarili ko na may ngiti.

--------------------------------------------------------------------------------------

*Carmen Epinoza's POV*

Gumising ako ng maaga, at hinde ko namalayan na katabi kong matulog si Padre Burgos.

"J-Jose?" sinabi ko, at hinde ko alam na gising na pala siya.

"Carmen, gising ka na pala?." tumayo siya at ikinuha ang kanyang libro.

"Buenos días." sinabi ko sakanya.

"Aba, marunong ka na mag latin?" tumawa siya.

"Syempre, tinuruan mo ako eh" sagot ko.

Bumangon na rin ako kasi ramdam kong gutom na ako, kaya't naghanap na rin ako ng pagkain. At nakita ko ung suman.

"Sige lang, kung gutom ka, kumuha ka." Sinabi niya.

"Maliligo muna ako, pagkatapos ko, puede ka na rin maligo. Meron kang bagong baro't saya roon. Suotin mo iyon" sabi niya habang kumukuha siya ng pang palit niya.

"Ah, sige. Gracias." sagot ko sakanya.

---------------------------------------------------------------------

Tapos na siya maligo at ako'y sumunod nang maligo.

----------------------------------------------------------------------

"Ah, sorry ah, nakababa ung buhok ko, wala kasi yung nagaayos sa buhok ko, at hinde kasi ako marunong mag tali ng ganon." sabi ko sakanya habang sinusuklay ko ang aking buhok.

Nakatitig lang siya saakin, at sinabing "Qué guapa eres...".

"Ano?" sinabi ko, kunwaring walang alam. Buti hinde halata and pula sa aking mukha.

"A-Ah, wala!, sabi ko, ang pangit mo!" biro-biro niyang sinabi.

"Ang sakit mo kamong magsalita." sabi ko sakanya.

"Haha, pasensya, halika, aalis na tayo." sagot niya.

"Oo na" sabay iwas tingin.

-----------------------------------------------------------------

"Oh, nandito na pala kayo, Jose at Carmen." sabi ni Padre Gomez.

"Padre. Buenos Dias." sagot ko.

"Padre Zamora?, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Padre Burgos.

"Oh, ya sabes, solo estoy pendiente de ti, mi querido amigo." sagot naman ni Padre Zamora habang nakatingin sa akin na may ngiti.

Si Padre Burgos ay tumigin sakin at bumalik ang tingin kay Padre Zamora. "At bakit ganyan ang tingin mo kay Carmen?."

"Bakit, masama ba?" tanong ni Zamora.

"Eh, kung sinabi kong oo?" Sabi ni Burgos.

"Ipinagaagawan ka ata nila, Carmen." sabi ni Annatalia.

"Ipinagaagawan?" tanong ko.


𝙋𝙤𝙧 𝙛𝙖𝙫𝙤𝙧 𝙣𝙤 𝙙𝙚𝙟𝙚𝙨 𝙦𝙪𝙚 𝙩𝙚 𝙨𝙪𝙚𝙡𝙩𝙚 𝙖 𝙩𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙗𝙞𝙚nWhere stories live. Discover now