{13} - Feather

76 4 3
                                    

Chapter 13 - It all slipped off my hands, like a feather.

*Carmen Epinoza's POV*

-----------------------------------------------------------

"Ate!." sigaw ni Anna sa likod ko.

"Oh, bakit ka nandito?." sagot ko.

"Ah, gusto mo po bang mag pahangin sa labas?.." sinabi niya.

"Sige, basta sasama ka, ah." biro biro kong sabi.

"Opo!. Magbibihis po ako!." sinabi niya tapos tumakbo na siya papunta sa kanyang silid.

----------------------------------------------------------------

*Annatalia Burgos' POV*

"Ang ganda dito, Anna!." sabi ni Ate Carmen habang nakatingin kung saan-saan.

"Kaya nga po idinala ko po kayo rito, kasi alam ko pong nagagandahan kayo sa ganitong mga pasyalan." sagot ko habang nakatingin sa kanya.

Tapos ang tingin ko ay lumipat sa isang malaking puno.

"Bakit ka nakatingin sa puno, may problema ba?." tanong ni Ate Carmen habang nakatingin sa akin.

------------------------------------------------------------

*Young Annatalia Burgos' POV*

Kinuha ko ang libro ni kuya Jose habang siya'y nagbabasa.

"Kuya, habulin mo ako!."

"Halika nga rito, ang kulit-kulit mong bata ka!."

Hinahabol ako ni kuya Jose habang ako'y tumatakbo, tumatawa ako habang si kuya ay hinahabol ako.

"Huli ka!."

"Anna, nasaan ang libro ko?. Akin na!." sinabi ni kuya habang kinikiliti ako.

"Wala sa akin!!." sinabi ko habang tumatawa.

"Todas mentiras! (All lies!), nasaan ang libro ko?."

Nahulog ung libro sa likod ko.

"Ahh, ung libro!!.." sigaw ko habang hinahabol ung hininga ko sa kakatawa.

"Ang kulit-kulit mong bata ka!!." sinabi ni kuya habang hawak-hawak ako at kinuha yung libro.

Hinalikan ako ni kuya sa ulo.

"Mahal na mahal ka ni kuya, hinde ba alam mo yun?." sinabi niya.

"Mahal na mahal rin kita, kuya!."

----------------------------------------------------

*Annatalia Burgos' POV*

"Anna.." sinabi ni Ate Carmen.

"Kuya!--" bigla kong nasigaw.

"Ayos ka lang ba, Anna?." tanong ni Ate Carmen.

"Ah, o-opo.." sagot ko.

"Oh sige, umupo ka muna roon sa may puno at mag pahinga." sinabi ni Ate Carmen.

Ginawa ko kung ano ang sinabi ni Ate Carmen at umupo.

---------------------------------------------------------------------------

*Carmen Epinoza's POV*

Naglalakad ako at nakita si Zamora, at linapitan siya.

"Ah, binibini bakit ka nandito?." tanong niya.

"Ah, wala nakita lang kita kaya linapitan kita." sagot ko.

"Ikaw lang ang nandito?." tanong niya muli.

"Hinde, nandoon si Anna, oh." sagot ko habang naka tingin kay Anna.

"Ah, sige." sabi niya habang nakatingin sa kamay niya.

"Ate, uwi na po ba tayo?.." tanong ni Annatalia.

"Ah.. k-kung gusto mo.. puede na rin.." sagot ko sakanya.

"Pasensya na, Padre Zamora.. Kailangan na po namin umalis." yun ay ang aking sinabi bago kami umalis.

------------------------------------------------------

Paguwi namin ay ako'y umupo.

"Ate, matutulog na po ako."

"O, sige."

"Hays, bakit ganito?. I-It all slipped off my hands, like a feather.. I don't know what's happening anymore.."

Ibinaon ko ang aking mukha sa aking mga kamay.

"Ayoko na." aking sinabi.

--------------------------------------------------------




𝙋𝙤𝙧 𝙛𝙖𝙫𝙤𝙧 𝙣𝙤 𝙙𝙚𝙟𝙚𝙨 𝙦𝙪𝙚 𝙩𝙚 𝙨𝙪𝙚𝙡𝙩𝙚 𝙖 𝙩𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙗𝙞𝙚nWhere stories live. Discover now