BEST RELATIONSHIP EVER :)

80 0 0
                                    

A one shot story about a couple who broke up because of certain things. Pero hindi natanggap nung girl kaya naman hindi siya makamoveon. Gusto niyang bumalik sa kanya yung ex niya. Nariyang nagmumukmok siya pero to the rescue ang mga friends niya to make her happy. Pero hindi niya naappreciate yun at nakuha niya pang saktan ang mga kaibigan niya. But her friends will never leave her.

Please read my second story in wattpad. One shot lang pero medyo mahaba siya :)

I dedicate this to my TRUFRNDS.

*Shiela Marie Lucero as Shiela Ladran.

*Alexandra Marie Leonardo as Leksu Fajardo.

*Honey Grace Cruz as Honey Evangelista.

Damay rin dito ang mga jowaers niyo. Hihi:3

Hope ya like it! :* ENJOY!

***

“Sino nga ba siyang kasama mo?

Mas magaling ba siyang maglambing sa’yo?

Nais kong malaman..

Kahit napakasakit para sa akin ‘to!”

“Mare.. Tumigil ka na. Lasing na lasing ka na oh!” ~Honey.

“Kung nasaan ka man ngayon,

Mahal pa rin kitaaaaaaaaa!”

“Mare, tigil na.. Okay lang yan.” ~Leksu.

“Ayoko pa mga mare.. Iniwan nya ko. May mali ba sakin ha? Sabihin niyo, panget ba ko?” ~Hayley.

“Hindi mare.. Hindi ka panget. Magpakatatag ka! Hindi ka ganyan dati. Dapat pakita mo sa kanya na kawalan ka sa kanya! Magsisisi siya na iniwan ka niya!” ~Shiela.

“Kahit ipakita ko, hindi niya yun maiisip. Ayan nga oh. May iba na siya di ba? Ang sakit! Ang sakit sakit! Kulang pa ba? Binigay ko naman lahat ng efforts ko ah! Hindi pa ba sapat yun para makuntento siya?”~Hayley.

“Mare.. Hindi pa naman tayo sigurado kung pinagpalit ka niya eh.”~Honey.

“Ganun na rin yun.. Dun na rin pupunta yun!”~Hayley.

Nagkaayaan ang magbabarkadang Leksu, Honey at Shiela. Gusto kasi nilang libangin si Hayley. 1 month na kasi siyang hindi lumalabas ng bahay at nagmumukmok. Hindi rin ito kumakain kaya naman nabahala na ang tatlo niyang kaibigan at pinuntahan ito sa bahay. Ayaw niya sumama noong una pero napilit na rin siya total wala rin namang tao sa kanila.

Pumunta sila sa isang bar na medyo malapit lang naman sa lugar nila. Inisip din naman nila yung kaligtasan nila lalo’t panay sila babae. Hindi nila sinama ang kani kanila nilang boyfriend dahil alam nilang mas malulungkot lang si Hayley pag sinama pa nila ang mga ito.

*FLASHBACK*

“Bigyan mo muna ng time ang sarili mo. Siguro, hindi ito yung tamang panahon para sa’ting dalawa. Hindi ka pa handang mag boyfriend Hayley. Wag mong pilitin.”

“Hindi pa handa? Ano bang pinagsasabi mo daddy? Umayos ka nga. Pinapaiyak mo na naman ba ako? Infairness, effective ha!”

“Hayley. I want to break up with you.”

“Daddy.. Hindi to magandang biro ah.”

“Hindi ako nagbibiro Hayley..”

“Ppp…pero bakit?”

“Pagod na kong intindihin bawat pagkakamali mo. Kailangan mo munang isipin lahat ng mga ginagawa mo. Hindi ka pa handa para mafix sa isang relationship. I’m sorry..”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEST RELATIONSHIP EVER :)Where stories live. Discover now