Nakita ko.

277 14 7
                                    

Nakita ko. -Patrick Morales

Nakita ko kung paano mo hawiin ang buhok mo papunta sa gilid ng iyong mga tenga. Kasabay ng paghawi mo ng buhok mo ay ang pagliwanag ng iyong mukha dahil natapatan ka ng araw. Magkasing ganda kayo ng araw sa paningin ko. Mukha kang anghel na ipinadala dito sa lupa. Anghel na ipinadala para paibigin ako.

Alam kong hindi mo ako kilala. Madalas kasi, pag nagkakasalubong tayo, ngingitian mo lang ako ng tipid at magpapatuloy na sa paglalakad palayo. Kahit tipid iyong mga ngiti mo, para sa'kin, iyon na ang pinakamaganda. Sabagay, kahit ano namang itsura mo eh, pinaka maganda para sa'akin.

Nakita ko kung paano ka tumawa dahil sa binatid na biro sa iyo ng mga kaibigan mo. Ngiti mo palang nga, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko, tumawa pa kaya? E'di namatay na'ko?

Ikaw kasi iyong tipo ng babae na napaka simple lang. Walang arte sa katawan. Hindi babaeng-babae, pero hindi rin sobrang magaslaw. Sakto lang. Saktong sakto nga eh. Kasi saktong sakto sa gitna iyang ngiti mo nang pinana ang puso ko. Bull's eye talaga!

Nakita ko kung paano ka magisip habang nageexam tayo sa Calculus. Kitang kita ko ang pagkunot mo ng noo habang inaanalisa ang papel ng mga tanong. Nakakatuwa nga eh. Di ko kasi inakala na ang isang babaeng kasing talino mo, nagagawa pa palang malito.

Sa sobrang kakatitig ko sa'yo, naalala mo? Pinagalitan pa ako nung professor natin! Akala kasi niya nangongopya ako. Nagkatinginan tayo ng saglit. Ngumiti ka lang sa'kin, at ako. Ako nama'y sobrang natuwa. Kasi sa unang pagkakataon, kahit na di gaanong maganda ang pangyayari, ay napansin mo ako.

Nakita ko kung paano mo ako lapitan nung araw na sinabi ang mga resulta ng pagsusulit natin. Sabi kasi ng professor ay i-tutor mo ako. Ikaw kasi ang pinakamatalino sa klase natin, base sa mga nakikita ko. Hindi naman talaga ako bobo. Sadyang na-busy lang sa pagtitig sa'yo kaya hindi ko natapos ang pagsusulit.

Niyaya mo akong pumunta sa library ng paaralan natin. Natawa pa nga tayo parehas dahil kahit nasa library na tayo, parang nasa canteen parin. Ang dami kasing nagdadal-dalan at mga nagpapalamig na natutulog. Hindi nalang natin sila pinansin at sinimulan mo na akong turuan.

Ano ba ang ituturo mo sa'kin? Tuturuan mo ba 'kong magmahal? Nako, hindi na kailangan! Dahil bago mo pa 'ko turuan ay mahal na kitang talaga.

Madami kang tinuro sa'kin na methods ng pagaaral. Sobrang nakatulong ito sa'kin.

Nakita ko kung gaano ka ka-determinado na turuan ako. Nabahala pa nga ako dahil baka napapahirapan na kita. Hindi mo naman ako kailangan turuan dahil nakikinig naman ako kapag nagtuturo sa klase. Sadyang iyong exam na 'yon lang talaga.

Pero tatanggi pa ba ako? Pagkakataon na ito para maging malapit tayo sa isa't isa.

Nakita ko kung paano mo ako ngitian nang nahuli mo akong tinititigan ka habang nasa library tayo at ginagawan mo ako ng review exam.

"Alam mo yung bigbang na KPOP group?" Napailing ako kasi hindi ako sobrang fan ng Kpop. Pero crush ko si Sandara Park. "Kamukha mo si GD dun." Sabi mo na super amused. "Grabeee! Ngayon ko lang napansin! Kamukha mo si GD baby." Napahampas ka pa sa mesa kaya lumapit satin yung librarian para patahimikin tayo.

Inalis mo ang salamin ko kaya medyo nanlabo ang paningin ko. "Mas nagiging kamukha mo siya pag inalis mo tong salamin mo. Chinito ka kasi. Maputi at may kakinisan. Di ka naman sobrang payat, pero hindi ma-muscle. Pero seryoso." Nilapag mo ang salamin ko sa mesa at ngumiti.

"Crush na kita. Hahaha." Napailing iling ka at nagpatuloy na sa pagsulat.

Nakita ko kung paano ka halikan ng boyfriend mo sa labi, at ang pagpula ng iyong mga pisngi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun. Paguwing paguwi ko, humarap ako agad sa salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakita ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon