The Painting - Chapter #2

134 1 3
                                    

Chapter #2

Isang buwan na ang nakakaraan pero hindi ko na ulit nakita yung babae na kahawig niya.

Triny kong bumalik dun sa pinagbilhan ko ng bulaklak kung saan ko siya unang nakita pero hindi ko pa din siya nakita.

“Naks! Ang galing talaga magpinta ng kapatid ko!Pa-kiss nga!”

Agad kong hinarang yung kamay ko sa mukha niya para ilayo.

“Ano ba yang kamay na yan ang lapad!” pagrereklamo niya

“Ano na naman problema mo at nangungulit ka? Dun ka nga sa shota mo!”

“Wala. Nag out of town.” Malungkot niyang sagot sakin

“Hala ka. Mamba-babae yun dun!”

“tse! Hindi no! Mahal kaya ako nun!”

“E ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?”

“Wala naman. Mang-gugulo lang. Ano na ngyari dun sa girl na hinahanap mo?”

“Wala. Di ko na nakita.”

“Ano ba yan kapatid. Ang bagal mo kasi”

“Ewan ko sayo!”

“Kapatid! May girlfriend ka ba?”

“Wala.”

“Bakit? Wag mo sabihin na hihintayin mong mabuhay yang babae sa canvass mo!”

“Bakit hindi.”

“Ano? May balak ka ba tumandang binata?”

“Wala. Hintay ka lang ate, magkikita din kami nitong babae sa painting ko.”

“At paano mo naman nasabi yan?”

“Basta. Alam ko lang.”

“Alam mo, ang galing mo na sana magpinta eh.” Sabi niya habang tinitignan ang mga painting na naka-display sa kwarto ko.

“Handa naman ako supportahan ka kasi may talent ka talaga kaso.” Dugtong niya habang tinititigan yung isang painting ng babae.

“Kaso ano?” tanong ko sa kanya

“Kaso, baliw ka lang! HAHAHAHA. Yuck! May baliw akong kapatid! Ewan ko ba sayo at ginugusto mo pang makita yang babae sa painting mo e sa panaginip mo lang naman nakikita yan ah?”

“Nakita ko na siya.”

O.o

Nagulat si ate sa sinabi ko. Di ko naman kasi sinabi na kahawig nun babae sa painting ko yung hinahanap kong babae isang buwan na ang nakakaraan.

“Saan?! Nakita mo na ‘to?” sabay turo sa painting ko

“Eto talaga ? As in? As in sa totoong buhay?”

“Oonga. Siya yung hinahanap kong babae”

“Ay tanga.”

“Ano?”

“Sabi ko tanga ka! Nakita mo na’t lahat pinakawalaan mo pa! Diyos ko! Bakit ba ako nagkaroon ng tangang kapatid ! Ma ! Pa! Iumpog niyo nga ang ulo nitong magaling kong kapatid!”

“Alam mo Ian Rommel! Hindi naman masama maging tanga! Wag mo lang dadalasan!”

Sigaw niya sakin sabay labas ng kwarto ko.

Akala mo naman siya yung nakakita at kung makareact siya.

Wala kasing tiwala sakin. Humarap ako sa painting ng babae.

“Alam ko, makikita na din kita. Yung malinaw at malapitan.”

Booooggggssssssshhhh! (bagsak ng pintuan yan ^^,)

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! May baliw akong kapatid! Sht. Kinakausap yung painting ! Kanino ka ba nag-mana! Ahhhhhhhhhhh”

Sigaw ni ate.

Tss.

“Tanga ka! Sa’yo ako nagmana!” sigaw ko pabalik sa kanya.

Kahit baliw yang si Iyah Ree, mahal na mahal ko yan at handa akong makapatay ng tao na susubukin na manakit sa kanya.

****

Annyeong haseyo!

Maari po lamang na mag-iwan kayo ng kahit anong kumento.

KAMSAMHAMNIDA! :))

- Lula Mae

The PaintingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon