Chapter 8: Party (part 1)

287 2 0
                                    

Chapter Eight: Christmas Party (part 1)

Tumahimik ang buhay ko simula ng magsimula ang Christmas break  dahil walang epal at walang mayabang na Joseph Marco Mechavez akong nakikita at laging nang-iinis sakin, isa rin ang Kung dati hindi ko sya kilala, ngayon memorize na memorize ko na ang buong pangalan nya, ang kulang na lang pala ay ang pangitnang pangalan nya.

Nakalublob ang aking katawan sa may bathtub, ang bango lang ng shower gel na nilagay ko sa katawan ko. Amoy bulaklak.

Six pm ang simula ng party, pero dahil filipino time. Tiyak na seven ito magstart. Masquerade party ang theme ng christmas party ito, kakaiba sa ibang christmas party. Party rin ito sa muli pagbabalik bansa ni ate khatelyn na pinsan ni cha. Sabi nga nila ay may mga ibang sikat na model pa raw na dadalo sa party.

Tumayo na ko sa aking posisyon at binanlawan ang sarili. Maghahanda na ko para sa party. Excited na kong makita si ate khatelyn, dapat magkasing ganda kami sa party.

Ang suot ko ngayon ay isang fitted red dress na plain pero may butas ang dalwang balikat nito, tinernuhan ko ito ng black stiletto at binagayan ko ng wavy hair style ko,may suot din akong silver necklace. Mamaya ko na lang isusuot ang maskara kong kulay red din.

Tiningnan ko ang orasan sa wall ko. 6:00 pm na. Baka dumating na sina Cyrene at Niña. Bumaba na ko sa kwarto ko at inintay sila sa may living room. Sabay sabay daw kaming magkakabarkadang pupunta sa party. Well, invited din ang aming mga pamilya na umattend ng party. Bahala na sila sa buhay nila. Malaki na sila.

Five minutes pa kong naghintay ng dumating na sila. 

Nakita kong pumasok sa bahay namin si Niña, nakasuot sya ng turtle neck na dress na kulay white, pag tumalikod ito ay backless ang likod nito na papagitan ng ribbon na design, tinernuhan naman nya ito ng red stilettos at ang ayos ng buhok nya ay naka bound na may naiwang ilang hibla ng buhok.

"Nice outfit! Lego!" sabi nito na nakangiti.

"Tara!" sabi ko at sinugbit ang sling bag ko.

Nakita ko naman si Cyrene na naghihintay sa labas ng sasakyan. Maganda rin ang suot nito. Naka long sleeve dress ito na green, na may suot na diamond necklace. Naka high heels sandals naman syang black at yung buhok nya ay straight na nakalugay.

"Ang ganda mo naman cy" sabi ko rito

"Thanks!" sabi nya at pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

Susunduin pa namin si Carmina bago pumunta sa party.

Ang suot naman nito ay nakatube dress na kulay light blue at may red ribbon na nakatali sa bewang nito, naka doll shoes ito. Ang ayos ng buhok nya ay simpleng braide ng buhok. Napakasimple talaga ng babaeng ito.

6:40pm kami nakarating sa bahay nina Cha. Ang daming tao, buti na lang ay talagang malaki ang bahay nina Cha. Kabilang lang naman ang kompanya nila bilang business typhoon sa pilipinas. Kaya ang security ay bongga. Nagsuot na rin kami ng mascara.

Pumunta kami sa nakaassign na sit samin. Nang makaupo na kami

"Si JM?" tanong ni cyrene.

"Sa tingin mo, mahahanap mo sya? Masquerade party to" sabi ni Niña

Tumahimik na lang si cyrene.

May nagserve ng red wine samin. Maya maya ay lumiwanag ang ginawang mini stage at may isang lalaking nakamascara ang nagsalita. Sa may part ng swimming pool area ginanap ang party.

"Good evening everyone! Im Nelson Pillosis your..blah blah blah blah" sabi nun nasa stage.

Hindi ako nakikinig sa kanya, di naman sya ang pakay ko rito. Gusto kong makita si ate khatelyn.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon