Chapter Fifteen :)

1K 21 2
                                    

Copyright © Diana Aranda

 

Are you falling Cream?

Nag decide ako na sa living room mag aral instead na sa study room. Trip ko kasing mag aral habang nakaharap sa garden na kitang kita sa may living room dahil sa napakalaking salamin.

Nakatanggap ako ng meesage mula kay Ice. I bet, mangungulit na naman to sakin.

Ice:

Can I go there?

Cream:

No. I'm busy.

Ice:

I wont bug you.

Cream:

I dont believe you.

Ice:

Please?

Cream:

No.

Hindi ko na pinansin ang mga sumunod nya text dahil naabala ako sa pag aaral. May quiz kami bukas sa isang subject at kailan kong maperfect iyon.

Nag ring bigla ang phone ko at nakita ko agad ang pangalan ni Ice kaya ni-silent ko iyon at di na pinansin.

"Mamatay ka kakatawag dyan." singhal ko. Napahinga ako ng malalim at napatitig sa may garden. Ano kayang trip ni Ice? Bakit nya ako nagustuhan? Paano nya nasabi na mahal nya ako? At ako naman si tanga, pinayagan pa yung isa na manligaw. What has gotten into my mind?

"Naku! Cream Jersey! Wag na wag ka na ulit titingin sa mata ng yelo na yun! Baka mamaya kung ano na namang mangyari." Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit naman ayaw mong tingnan?" napatigil ako at prinoseso ang boses nung nagsalita. He's here?

Dahan dahan akong lumingon at napangiti ng malaki.

"Dad!" agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya sabay yakap. Ghad! Namiss ko si Daddy, sobra!

Pagkatapos ko sya panggigilan ay saka ko lang napansin na may bitbit pala syang plato na punong puno ng onion rings. My favorite!

Agad kong inagaw sa kanya ang plato at hinila si Daddy papunta sa couch. "Kelan pa kayo dumating?" tanong ko sa kanya. Ibinaba ko ang plato sa may lamesa at tiningnan sya habang umuupo. Nag unat pa sya ng kamay at humikab.

"I just came. Naisip kong ipagluto ka muna ng onion rings." natatawa nyang sagot. Nagkaroon ng konting eyebags si Dad. Maybe he's having stress na sa work. Workaholic kasi eh. Sobrang mahal na mahal ang mga bata tapos iisa lang ang ginawang anak. Kakaiba diba?

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon