Chapter Sixteen :)

1.1K 24 4
                                    

Copyright © Diana Aranda

Filler Chapter. Haha!

I'm on my way

"Are you falling Cream?"

Napabalikwas ako sa kama ng marinig ko na naman ang tanong na iyon. Why does it keep on echoing sa utak ko? Paano ko ba malalaman na nahulog na ko? Paano ko malalaman kung lumagapak na ko? Kung bumagsak na ko? Kung nalunod na ko? Kung di na ako makaahon? Paano?

Tumayo ako at humarap sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang mga pisngi kong medyo nag iinit dahil sa panaginip ko. Lahat na lang ng bagay, nandun si Ice. Bakit ka ba palaging nasa panaginip ko?

"You can do it Cream! Kaya mo yan!" sabi ko sa sarili ko. Mulinkong tinitigan ang mulha ko hanggang sa nakarinig ako ng katok sa kwarto ko kaya agad kong binuksan iyon. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Dad. Agad ko syang hinalikan sa pisngi at binati ng good morning.

"Breakfast is ready. I cooked pancakes. So you better get your ass off this room and eat with me." demand ni Dad. Natawa naman ako sa kanya. Bibihira ko makita si Dad na nakasuot ng khaki shorts at polo shirt na pinartneran ng tsinelas. Usually kasi, nung nasa States pa ko, I would wake up na naka lomg sleeves na si Dad saka jeans. Bibihira din sya mag polo shirt kaya talagang nakakapanibago.

"Fine Dad. Maliligo muna ako." sabi ko saka sya nagpaalam na bababa na at hihigop ng kape. Yun ang pinagkaiba namin ni Dad. He's so into Coffee na halos ata lahat na ng brand ng kape eh natikman na nya. I really hate coffee. Nagaalburoto kasi ang tyan ko kapag nainom ako nun. Kaya hanggang hot choco na lang talaga ako.

It was a good breakfast with Dad. Katulad lang nung nasa States kami. Nalaman ko din na dito sya titira sa bahay habang bakasyon nya. I'm glad pumayag si Mom sa set up na to. Besides, they are really good friends. Kaya wala naman sigurong problema kung dito tumira si Dad. Besides, this is his home too.

Nakarinig ako ng busina sa labas. Baka si Ice na yun. Tinext nya kasi ako kanina na susunduin daw nya ako para di na ako mag drive. Buti na lang at di ako ihahatid ni Dad dahil pupuntahan daw nya ang lupa namin sa may San Nicholas. Sasaglitin daw nya at titingnan kung namumunga pa ba ang mga tanim doon.

Nagkwentuhan lang kami ni Ice sa buong byahe namin. Sa pangalawang subject pa kami magkaklase kaya naman naghiwalay din kami ng landas pagdating sa school. Mabilis ko namang natapos ang quiz at agad na nagpasa ng test paper ko. Buti na lang at wala kaming make up class ngayon. Kundi malamang, kapag tinamad ako, ditch na naman ang gawin ko.

I found Catherine and Trisha looking at something sa isang iPad. Mukha silang engrossed na engrossed sa tinitingnan nila.

Umupo ako sa katapat na upuan at binati sila. "Hey!" saglit lang nila akong tiningnan at muling tinuon ang pansin sa binabasa nila. Napansin ko ang nagkalat na balat ng chichirya at ang dalawang jumbo size na kerrimo. Sinilip ko iyon at wala ng lamang fries. Mukhang kanina pa ang mga ito dito.

Naglean ako sa lamesa at sinilip ang pinag kaka abalahan ng dalawa. Ganun ba iyon kaimportante para di nila ako pansinin?

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon