Chapter Seventeen :)

1.1K 22 3
                                    

Copyright © Diana Aranda


Like a jealous girlfriend

"Trisha." tawag ko sa babaeng iyak ng iyak ngayon sa harapan ko. Niyaya nya ako na mag bar daw kami. Sabi nya, gusto nyang umiyak. Gusto nyang ilabas ang sakit na nararamdaman nya. Ice insisted na kasama sya pero pinauwi ko na din sya after nya akong ihatid. At first, nasa school lang kami ni Trisha then nung dumilim na ay nag aya syang uminom. Sa tingin ko, alam ko na ang dahilan kung bakit.

"Pakisabi na lang na mahal ko sya. Di na baleng may mahal syang iba" mahina nyang kanta. Nakaubob na sya at lasing na lasing na. Kanina pa syang naglalabas ng sama ng loob sakin. Kesyo tanga daw sya at tama sa Catherine. Saka mo lang marerealize na gusto mo sya pag nakita mo syang may gusto ng iba. She said, if she could only turn back time, sasabihin na nya kay Ivan ang totoo. That she really had feelings for him. And she still has feelings for him.

"Trisha, let's go home." aya ko. Tumayo na ako at sinakbit ang bag ko sabay hila sa kanya patayo. But she was too heavy. Akala mo magaan kasi mapayat pero siksik kaya mabigat.

"Creammm!" tawag nya sakin. Tumunghay sya at hinawakan ang laylayan ng damit ko. Pilit nyang ibinubuka ang talukap ng mga mata nya but it was too heavy for them to be opened.

"Hindi ko kayang sabihin. Ikaw na lang magsabi." umiyak ulit sya. Dinikit nya ang noo nya sa damit ko habang nakahawak pa din sa laylayan noon. Umiiyak na naman sya. "Cream, sabihin mo sa kanya na mahal ko sya ah?" she said between those sobs.

"Cream! Sumagot ka!" niyugyog nya ako at muling tumunghay. Her mascara is running on her face. She looks so wasted.

"Creammm!" ulit pa nya. Ghad! This girl really needs Ivan right now!

Nakita ko ang pag ilaw ng phone nya na nakapatong sa lamesa namin na puno ng alak na sya lang ang uminom. Saka mga finger foods na nilantakan nya kanina. Ang tanging kalat ko lang dito ay ang apat na baso ng juice na inorder ko.

Bumitaw si Trisha at napahiga sa couch. She's still crying. Dinampot ko ang phone nya at nakita kong natawag si Ivan doon.

Sinagot ko ang tawag. "Trisha! Thank God sumagot ka na! Where the hell are you? Wait, bakit maingay? Where the fuck are you Trish?" sunod sunod na tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti. I can feel Ivan's care for Trisha. Sinilip ko muli si Trisha na mukhang tulog na. Napagod na sa kakaiyak.

"Ivan." sabi ko at umupo muna. Inayos ko ang damit ni Trisha na masyadong maiksi. Halos masisilipan na sya doon.

"Cream?" he asked.

"Punta ka sa Blast. Alam mo kung saan to diba? Trisha is so wasted." Hindi ko na sya hinayaan pang magsalita. Ibinaba ko na agad at tawag. Napahinga ako ng malalim at muling tiningnan si Trisha na naiyak na naman. Must have been that painful. Loving someone who used to love you but is now in love with someone else.

Tinawagan ko si Ice para sunduin ako. I dont want to interrupt Ivan and Trisha's moment. Alam kong sasabunutan ako bukas ni Trisha pag nalaman nyang sinabi ko kay Ivan kung nasaan kami. But this is her chance. Ang sabihin ang nararamdaman nya kay Ivan. Nang walang takot. Im glad she's over ruled by alcohol. Mas may lakas sya ng loob. Besides, hindi naman nya makikilala ang kausap nya eh.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon