flappy bird-zoned

15.2K 278 117
                                    

At dahil inis na inis ako sa larong Flappy Bird, naggawa ako ng story about it. lol

Enjoy Reading! :--------)

~

FlappyBird-zoned (One Shot) by ayseyya

"Tol, bilisan mo naman kumilos!" sigaw ng kaibigan kong si Jaye.

"oo na! oo na! saglit nalang 'to!" sabi ko sakanya habang inaayos yung sintas ng sapatos ko. Aalis kasi kami ngayon ni Jaye. Pupunta kaming timezone. Girl hunting daw ika nya. Tss! Ayaw ko sana sumama kaya lang pinilit nya ko. So, no choice kundi sumama nalang. Atsaka nakakabagot din dito sa bahay. 

Nang matapos na kong mag sintas ay kinuha ko na yung bag ko at sumunod kay Jaye sa labas. Nang makalabas ako ay pumasok na ko sa kotse nya. Nandun na rin yung iba naming kaibigan na sina Francis at Josiah.

"Uy Raf! Musta?" tanong sakin ni Francis.

"ayos naman! ikaw ba?" tanong ko pabalik sakanya.

"ayos din! ayos na ayos! Hahaha." aniya kaya tumango nalang ako at nagsimula nang mag-drive si Jaye. For your information, meron po kami lahat na kotse. Sadya lang na tinatamad kami mag-drive ngayon kaya kotse ni Jaye ang ginamit namin at syaka sya rin naman yung nagprisinta na mag timezone.

Habang nagda-drive si Jaye ay hindi ko mapigilang hindi ma-bore. Medyo malayo rin kasi yung mall dito sa lugar namin. Aabutin ka ng isang oras sa byahe. Kinuha ko yung iPhone ko mula sa bulsa ko at in-open yung larong Flappy Bird. Dinownload ko 'to kagabi eh pero hindi ko pa nalalaro. Wala lang. Nakikiuso lang. Pinindot ko yung start button at nagsimula nang maglaro.

Tap.

Tap.

Tap.

Tap.

Tap.

TAKTE! Bakit ganun? Konting dikit lang nung pesteng ibon sa may tubo, nahulog na agad! Asar ah! Pinindot ko yung ok at start ulit.

Tap.

Tap.

Tap.

Tap.

Tap.

PUTEK! Ano ba 'tong larong 'to! Nakakainis na ah! Konting dikit lang nahulog na agad. Sarap ibigti nung ibon. Tss! (=_=)

"Oh, bakit ganyan yung mukha mo Raf?" tanong sakin ni Josiah nang mapansin nyang nakabusangot yung mukha ko.

"Eh nakakainis 'tong p*tang*nang Flappy Bird na 'to! Konting dikit lang mahuhulog na agad! Damn!"

"oh easy lang dude! Puso mo! Hahaha." pabirong sabi ni Jaye. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nagtawanan sila.

"Hahaha. Ang kailangan mo sa larong iyan ay pasensya! Kung short tempered kang tao, ay nako wag kang maglaro ng flappy bird. Baka matapon mo lang yung cellphone mo nang wala sa oras!" -Francis.

Flappy Bird-zonedWhere stories live. Discover now