Love at Every Sight

283 7 9
                                    

Palagi lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Pinagmamasdan ang mala-anghel nyang mukha. Inoobserbahan ang bawat kilos nya.

Matagal ko ng gawain yun. Parang hobby hahahahaha. Palaging nakasunod yung tingin ko sa kanya. Parang nakaset yung mata ko na dapat sa kanya lang ako nakatingin pero syempre may 'limit' din naman yung pagmamasid ko sa kanya. Hindi kasi kami magkasection. Nakakaasar nga ee >3< . Kung hindi ko lang mahal ang scholarship ko, talagang magpapabagsak ako para maging kaklase sya. Pero syempre, STUDIES ang mas importante. Tsaka kung maging classmate ko man sya, hindi ako sure kung magiging CLOSE kami. Hahahahahhahaha.

Alam nyo ba, kahit hindi ko talaga sya ganun kakilala, sa pagtingin-tingin ko lang sa kanya, NAPAMAHAL sya sa akin. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing nakikita ko sya...

Parang sinasabi ng puso ko na ipagpatuloy ko ang pagtingin sa kanya. Kahit na malayo sya sa tuwing nakikita ko sya, lalo na yung ngiti nya, lalo akong naiinlab sa kanya. Naaasar ako pero wala na, minahal ko na (ata??) sya. Pero sa bawat ngiti nya, parang may kakaiba. Parang may malungkot na kwento sa likod nito pero hindi ko naman alam kung ano. Basta alam ko, gustong-gusto ko kapag nakangiti sya.

Kuntento na nga ako sa pagtingin sa kanya mula sa malayo pero hindi ko akalain na magiging kaklase ko sya nung nagthird year high school na ako...

"Wuuii!! Kuting!! Kaklase natin si Leonard!! Ayiiie!!" Inaasar na naman ako ng BFF kong si Leigh. Oo, alam nya na stalker (tama bang yun yung gamiting term??) ako ni Leonard. Yep! Si Leonard yung lalaking palagi kong tinitignan. Leonard Lann T. Garcia yung whole name nya.

Si Leonard Lann T. Garcia. Hmmm. Konti lang ang alam ko sa kanya. Basic infos lang. Fifteen years old. September 29 ang araw na naimbento ang salitang soulmate ko, I mean yung birthday nya. Ang height nya ay 5 feet 8 inches. Wiiieee. Ang tangkad nya, parang ako lang. Matangkad pag tinabi sa duwende. Charot!! Medyo matangkad din naman ako, 5 feet 5 inches. Okay, balik kay Leonard, favorite color nya, BLUE. Yey!! Pareho kami. Hahahaha. Mahilig syang ngumiti. Yun lang yung nalaman ko sa simpleng pagtingin-tingin sa kanya. ^_____^v

"Wuuii!! Kuting?? Yoohoo!! Nagdedaydream ka na naman?? Hahahahahaha." \(^___^)

"Ahh-eh. Sorry Neko-chan." ^__^v

"Hahaha. Ayos lang yan Kuting! Tara! Pasok na tayo para makita na natin si Leonard ng buhay mo. Wahahahaha." >:D

"Sige lang. Gora lang sa pang-aasar mo Neko-chan. Ayos yan eh. Matutulungan mo ang mga naghihirap kapag inasar mo ako eh." =________=

"Hahahahaha. Anong konek ng mga naghihirap sa mga naghihirap?? Hahahahahaha." XD

"Hahaha. Wala. Hahahaha."

Hindi namin namalayan, nasa room na kami. Nikakabahan naman ako. Ang gwapo kasi ni Leonard. Anong konek?? XP

"Good morning!!" Bati sa amin ng classmate namin na kakilala na namin.

"Morneeeeeeeng!!" Bati rin namin ni Neko-chan. Ayt--- oo nga pala. Kung nagtataka kayo kung bakit 'Neko-chan' at 'Kuting' ang tawagan namin ni Leigh. Obvious ba?? Endearment namin yun at kung bakit naman yun pa, kasi we both love cats and kittens. So ayun yung napagdesisyunan namin na tawagan namin. Nga pala, 'Neko-chan' is a Japanese term. 'Neko' means cat and 'chan' is used to address girls close to you. Hahahahaha.

"Good morning class." Panimula ng teacher namin. Tumingin sya sa lahat. "Medyo madami ang dumagdag sa section nyo ngayon ha." So, tradition na naman yung pag-iintroduce kapag first meeting nyo sa teacher. Lalo na yung mga bago sa class namin, isa na dun si Leonard. Mula sa class nila dati, sya lang ang nandito sa first section ngayon. Kawawa nga kasi parang loner sya sa room namin. Kung lapitan ko kaya. Pero kasiiiiii. Nahihiya akooooo. >/////< "Okay. Sa first meeting natin, mag-iintroduce muna kayo para naman magkakila-kilala na kayo. Start sa last row papunta sa 1st row."

Love at Every SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon