PROLOGUE

1.3K 22 2
                                    

Nasa bus ako at papunta ako ngayon sa SM.Imbis na gamitin ko ang sasakyan ko ay nadapwat ko sa aking sarili na magbus nalang ng sa ganun ay makatulog din ako.

Pero imbis na makatulog ay naiinis ako.Paano ba naman yung katabi ko parang may gagawing hindi maganda,ang ingay-ingay nilang dalawa naririnig ko pa ang mahinang pagtawa nila.Paano naman ako makakatulog nito?

(0.0)

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ang palad ng lalaki sa hita ko!..

Mga bastos!Pinapa-init nila ang ulo ko!...

"Mga bastos"--sigaw ko

"Aba miss,makapagbintang ka,mag-iingat ka sa pinagsasabi mo!"--balik na sigaw nito na sa tingin ko ay nasa 30+

"Mga walanghiya,manyakis,bastos"--sigaw kong muli.

Huminto ang bus at nararamdaman kong nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga tao.

"Sumosobra ka na miss!,kung gusto mo bayaran mo 'tong inuupuan nami ng wala ka ng makatabi!."--sigaw nyang muli.

Mga lokong 'to tumayo ako at pinaghahampas sila ng shoulder bag ko.Tumayo ito at akmang sasampalin nya na ko ng may humawak sa kanya ng kamay.

" B...bitawan mo ko!"--pagsusumamo nito na mababakas ang pagkatakot,tumatagaktak na rin ang pawis nito sa kanyang mukha.

Ano bang nakakatakot? Hawak lang naman ng lalaking nakatalikod sakin ang kamay nya!.

"Pare...t...tul...tulungan mo ko!"--pagsusumamo nito sa kanyang kasama na mababakas din ang pagkatakot.

Pero hindi ito nagpatinag bagkus ay susunggaban na sana nya ng suntok ang lalaking nakatalikod sakin ay naunahan na sya nito.

Sa isang iglap ay napabagsak nya na ang mga ito at dali-daling bumama na tila takot na takot.

Ano ba kasing nakakat---

(0.0)

Nanlaki ang mata ko ng makita ito nakakatakot sya hindi dahil pangit sya kundi dahil napakadilim ng aura nya na parang dadalhin ka sa kamatayan.

" Ikaw miss kung matutulog ka sa bahay, Hindi dito sa bus!"--sigaw nito na nakaduro pa ang daliri nya.

Ayoko sa lahat ay ang pinapahiya ako.

Tumingin ako sa mga tao,lahat sila ay nakangisi at nakatingin saming dalawa.

"Anong tinitingin-tingin nyo?Tapos na eksena!"--mataray kong pagkasabi.

Bumalik ako ng tingin sa kaharap ko.Inirapan ko ito at umupo na sa upuan ko,ganun din sya bale katapat ko lang sya sa gilid.

Inis na sinuot ko ang shades ko at hinawakan ang sintido ko.

Sumasakit na naman ang ulo ko dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi kasama ang ibang lalaki.

Yes....sa iba't ibang lalaki.Kung sino man ang matipuhan ko ay agad akong sumasama.

Why not? Masaya naman ako malaman at matutunan ang bagay na hindi ko nagagawa noon.

Tinutupad ko lang ang hiling nya.

Napaangat ako ng tingin ng maramdaman na may nakatayo sa gilid ko.

" Miss,kanina ko pa kayo tinatanong pangatlong beses ko na ito itatanong,saan ba kayo?"--Inis na tanong nito.

Kanina pa? Hindi ko nga alam nandito na sya kanina pa.Siguro'y sa lalim ng iniisip ko kaya di ko sya agad napansin.

"SM"--maikli kong sagot

I'm Fallin' Inlove With YouWhere stories live. Discover now