Ang Daga at Ang Leon(Revised of 2012)

5.2K 4 0
                                    

Ang Daga at ang Leon
(Kwentong Pabubbles)
Revised Edition of 2012( Full of LESSON)
Kwento ng taong walang magawa na si Taw Ang


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at doon siya nag laro ng piko, Chinese garter, jumping rope, at jackstone.


Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin ibibgay ko sayo ang lahat, ang katawan ko kahit 1 night stand lang, sayo na ang mansion, at mga sasakyan ko. Iyong iyo na pero sana wag mo akong kainin." sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Assuming, may taste ako nuh, anong kakainin? Ano tingin mo sa akin Pusa? Yuck mandiri ka nga! Pati wag kang mangarap wala kang bahay at sasakyan! eeeeewwwwwwwwww” sabi ng leon.


"Sungit mo! pero salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.


“ Umalis ka na, makakaganti ka jan? sa liit mong yan ano ang kaya mong gawin? Nag da-drugs ka ba? Kung wala kang magawa umuwi kana sa bahay niyo at makipaghabulan ka nalang ulit kay Tom!” bulyaw ni Leon.

At agad na umalis si Daga.


Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.

“ Rawr, rawr, rawr, meowwwwwwwwwww umalis ka na dito daga! Wag muna akong tulungan! Pag di ka pa umalis papakain kita kay Kuya Kim ang Matang lawin!”” wika ni Leon.

“Huwag kang maingay dyan Leon, baka bumalik dito ang mga nangangaso at mahuli nila akong tinutulungan ka!” wika ni daga.

Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Huwag ka nang mag pasalamat Leon, what are friends are for, okay lang yun!” wika ni Daga.

“ Tumahimik kang Daga ka! Paki-alamero! Hindi ko hinihingi ang tulong mo ang sama ng ugali mo bakit mo ako pinakawalan. Hayoooop ka! Sinira mo ang mga pangarap ko!” galit na wika ni Leon.

“ ang sama naman ng ugali mo! Ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ngayon ang galit! Pati anong Pangarap, kung di kita tinulungan malamang nasa Circus o di kaya nasa manila Zoo kana ngayon o di kaya patay kana ngayon.!” pagalit na sagot ni Daga.

“ Adik ka ba? Yan ang mga pangarap ko! Gusto kong mapunta sa Circus o sa Manila Zoo para maging sikat ako at palakpakan ng mga tao. Napaka intrigida mo kasi. PaKialamero!’ bulyaw ni Leon.

“ Bakit gusto mong pumunta dyan! Ayaw mo na ba dito sa Kagubatan?” tanong ni daga.

“ Anong Kagubatan, masdan mo ang paligid mo! Sinira na ng mga tao ang kagubatan, pinutol at sinunog ang mga puno para sa sariling kapakanan. Halos mamatay na ang lahat ng hayop dito sa Kagubatan at wala na akong source of foods. Wala narin akong malinis na tubig na maiinum dahil tinapunan na ito ng basura ng mga tao at wala na rin akong punong masisilungan! Mas gugustuhin ko pa sa Circus o sa Manila Zoo dahil dun aalagaan nila ako at mapapakain ng maayos. Natuloy sana ang mga pangarap ko kung hindi ka lang naki-alam.” Galit na sigaw ni Leon.

“ Bakit nakakasiguro ka ba na dadalhin ka nila sa Manila Zoo o sa Circus! Baka patayin ka lang ng mga mangangaso at ibenta ang balat mo!’ wika ni Daga.

“ Hindi ka ba marunong bumasa? May Brand yung pising kinagat mo, nakalagay dun Manila Zoo Company Incorporated, BFAD approved!. Ibig sabihin sa Manila Zoo ang punta ko!” wika ni Leon.

“ Umalis ka nga sa harap ko at hahabulin ko pa yung track para mahuli nila ako!” muling bulyaw ni Leon.

At agad nitong hinabol ang mga mangangaso upang magpapansin at magpakitang gilas. Sa huli kinuha din ng mga mangangaso si Leon at ngayon makikita niyo siya sa Manila Zoo! Dalawin niyo nalang.

The End.

Moral:

Alagaan ang Kapaligiran upang hindi maiba ang story.Hahahahaha

Ang Daga at Ang Leon(Revised of 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon