When A Girl Gives Up - Prologue

5.5K 108 10
                                    

 When A Girl Gives Up Prologue

"Babae. Madalas maarte, maingay, parang batang magtatampo kapag hindi nakuha ang gusto. Palaging gusto ng atensyon at madalas magselos sa mga bagay na hindi naman dapat pagselosan. Daig pa nila ang nanay kung mag-utos sa mga dapat at hindi dapat gawin na hindi mo maiwasang hindi masakal. Ang hirap intindihin ng mga babae, minsan malambing pero mas madaming oras na galit sila. Kahit maliit na bagay, ang bilis nilang iyakan. Kasing bilis ng isang kisap mata magbago ang timpla ng emosyon nila at kailangan namin iyong sabayan. Kahit na sila ang mali, gagawa at gagawa sila ng paraan para mabaligtad ang sitwasyon. Ang hirap. Ang hirap makipagrelasyon." -Lalake

Kilalang kilala talaga ng mga lalake ang babae noh? Kung isa-isa mo silang tatanungin, halos iisa lang din ang mga salitang maririnig mong lalabas sa bibig nila. Kesyo nakakapagod daw intindihin ang mga babae. Nakakarindi na ang paulit ulit nilang pananaway at paghihinala. Kaya yung ibang relasyon, nauuwi sa hiwalayan. Kasi nagloko yung lalake, nagtwo time, napagod at kung ano ano pang dahilan na kahit paikut-ikutin, wala namang matibay na pundasyon para gawing rason.

Siguro iniisip nila na, "Mahal naman ako niyan, hindi niya ako kayang iwan."

O kaya naman, "Lielow muna ako. Babalikan ko na lang siya kapag namiss ko na siya."

Ano ba ang babae? Laruan? Na iiwanan kapag napagsawaan? Na isasabay sa iba kasi napagtripan? Pero paano kapag ang babae naman ang napagod? Paano kung naalog yung utak nila at napagtanto kung ano ang halaga nila?

Then, you must be scared.

'Coz When A Girl Gives Up? Goodluck.

When A Girl Gives UpWhere stories live. Discover now