Chapter 10: Fire

1.6K 11 0
                                    

Hinatid namin si Ingrid sa bahay pagkatapos kumain and Irina wasn't too keen on going back dahil nandun pa rin si Zeny.

"Naku baka malampaso ko sya sa sahig ng wala sa oras at baka hindi lang kutsilyo ang ibato ko sa kanya, granada na!" She mumbled as Ingrid laughed.

"Di bale, Ate abogado naman si Daddy at dahil ikaw ang kanyang princess ay for sure ipagtatanggol ka nya."

"Nasar ako kay Daddy! Bakit ba sya pumayag na sa atin tumira si Zeny? Wala na ba tayong ibang kamag-anak? She could have stayed with lola para kada-oras makapagdasal sya at nangangailangan sya ng matinding patnubay ng kalangitan." My wife said, much to my amusement. I've met Irina's lola and it wasn't pleasant dahil hinabol nya ako para paluin ng walis-tambo. She was against us not getting married properly in a church. Dalawang beses pa lang kaming nagkita and on both occassions she whispered 'fornicator' under her breath the moment she saw me.

"Ayoko nga rin sya, Ate eh. Feeling ko babarahin ko na lang sya parati kung sa bahay sya titira. Bats Ate at Kuya kapag hindi pa sya umalis, makikitulog ako sa inyo ha?"

"Oo naman." I readily replied. "Pabisitahin mo si Aleph sa bahay, sabihin mo kakausapin ko sya."

"Kuya naman eh! Wala nga yun. Chika-chika lang. pang-status lang sa FB."

"Ingrid, ha ayoko na yang pagiging hightech mo. Pati relationships, hanggang FB lang?"

"Basta, may usapan nga kasi kami."  Ingrid mumbled. When we reached their house, hindi na kami bumaba ng asawa ko.

"Ingrid, tell Mom and Dad na next time na kami dadaan kasi nagmamadali kaming umuwi at nami-miss na namin ang mga bata." I said.

"Opo!" Ingrid replied waving at us.

"Tell Dad that if he's going to kick that idiot out of the house, he's never ever going to see his grandkids again!" Irina said and I looked at her in surprise pero ayokong magsalita kasi alam kong kumukulo ang dugo nya sa pinsan nya. I totally understand where she's coming from pero iniisip ko rin na anak si Zeny ng kapatid ng father-in-law ko at hindi nya kasalanan kung ganun ang asal ng pamangkin nya.

"Makakarating, Ate!" Ingrid happily replied before she waved goodbye at us. We drove home in silence and I decided to broach the subject.

"Kitten..."

"Yes?"

"I know you're mad and you'll probably get angry at me because of what I'm about to say pero gusto ko lang sabihin yung thoughts ko regarding sa matter na to. Di ba may usapan tayo not to keep things to ourselves?"

"Okay." She said as she turned to look at me. "Anong sasabihin mo?"

"Promise me first na hindi ka magagalit."

"Hindi ako magagalit..."

"Thanks, Kitten."

"Kung wala akong ikakagalit." She added at hindi ko mapigilang matawa. Ang asawa ko talaga. "Pero alam mo naman sigurong mahal na mahal kita kaya magalit man ako sayo, magpapa-cute ka lang, mawawala agad."

"I know, that's why I love you." I uttered and she leaned towards me to kiss me on the cheek.

"Not as much as I do." She answered. "Ano yung sasabihin mo?"

"First of all, I love how feisty you were earlier. Sana lang hindi dumating yung panahon na sa sobra mong galit sa akin ay babatuhin mo na ako ng kutsilyo." I joked as I glanced sideways at her and saw her smile.

"Dapat mag-aral ka nang umilag." She said grinning.

"Kitten naman..."

"Bakit naman kita babatuhin ng kutsilyo kung halimbawang mambababae ka?"

Cupid's Fools Part I [PUBLISHED by BOOKWARE/ A Wattpad Presents Series]Where stories live. Discover now