Simula

12 1 0
                                    



********

Pilit kong pinapasok ang isang darili ko sa makati kong ilong nailabas ko naman na ang mga dumi siguro napasukan lang langgam.

huh? Langgam? Pwede ba iyon?

Naramdaman kong mahahatsing ako kaya inilabas ko na yung isang darili ko saka ako malakas na humatsing.

Hindi na ako nag abala pang mahiya dahil wala namang tao sa paligid.

Habang naglalakad ako napagmasdan ko pa iyong buwan.

Unti-unti ng kinakain ng dilim ang maliwanag na buwan masyado ng madilim kaya nagmadali na akong naglakad.

Malapit na ako sa plaza namin ng makarinig ako ng unggol. Unggol na parang humihingi ng tulong. Sa plaza nangagaling ang unggol kaya nagmadali ako pumunta don.

Halos wala akong makita dahil sa  nakakabulag na kadiliman hindi ako takot sa dilim kaya nangapangapa ako nakarinig na naman ako ng unggol isang batang umuunggol hindi ko alam kung saan naggaling pero malakas ang pakiramdam ko na nandito lang yun sa plaza.

Muntik na akong madapa dahil parang nakatapak ako ng bato pero nakakapagtakang malambot ito at madulas.

Hindi kaya tae ito?

Pero hindi dahil nakarinig ako ng unggol malapit sakin.

Unti-unti ng lumiwanag ang aking paningin kaya nakaaninag ako ng isang babae dahil nakaputi itong damit nakahiga ito sa sahig at sa gilid naman nito ay may batang umiiyak.

"Ina wag mo akong iiwan pakiusap gagaling kapa ina!" Pakiusap ng bata.

Hindi ko alam kung babae o lalake yung bata pero sa narinig ko lalake yung boses.

"Sino kayo?!" Sabi ko
"Pakiusap tulungan mo ako iligtas natin si ina!" Pagmamakaawa niya.
"Anong nangyari sakanya?!"
"Tulungan mo akong buhatin si ina pakiusap!"

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanyang ina pero tinulungan ko na lang sya. Binuhat namin sya hanggang sa makalabas kami sa plaza na iyon.

Walang masyadong ilaw dito tangging tindahan lang ang meron. Dali dali kaming pumunta sa tindahan nila aling tilde at humingi ng tulong. Lumabas ng nakapadyama si aling tilde halatang nabulabog namin siya sa pagtulog.

"Anong nangyari at nabulabog nyo ang aking pagtulog?" Sabi niya na nakapikit ang isang mata at humihikab pa. Saka lang nya napagmasdan kung ano nangyari .

Muntik na syang mapasigaw dahil sa nakita kaya nagtatakang tumingin ako sa buhat namin.

Halos matigalgal ako sa nakita.

Dahil nakalabas ang isang dibdib nito at halos wala ng laman saka ko lang napagmasdan ng buo ang katawan nito naka puti itong damit na mahaba na parang bistida na sakanya napulos dugo. Nakalugay ang buhok nito na hanggang siko nito at parang binugbog ang mukha nito ngunit hindi maitatago ang kagandahan nito.

The Man Who Guards MeWhere stories live. Discover now