Aisle

26 15 1
                                    

Napangiti ako, habang naglalakad sa gitna ng aisle ay natanaw ko sya. As the groom. Biglang nag init ang mga mata ko at may luhang munting dumungaw.

Dagli ko itong pinunasan at muling ngumiti. Habang naglalakad ako, inaalala ko ang mga nangyare pareho sa nakaraan natin. Andrei, I love you.. very very much.



Do you remember? That time when we were playing together at the park of our village? Simula nun naging magkaibigan tayo. Ang saya ko nun kasi ikaw ang first ever na naging kaibigan kong lalake. I was 10 years old that time. Magka age tayo kaya madali tayong naging close sa isat isa. Nung time na inaway ako ng mga kaaway ko sa lugar naten nandun ka at ipinagtanggol mo ako. Tapos binilhan mo pa ako ng ice cream kasi hindi ako makatahan. Then nun nalaman mong ice cream ang nagpapakalma sa akin.

We were so happy back then, being kids, no problem was thinking.. we are free back then. 

Hanggang sa magdalaga at magbinata tayo pareho. Bestfriends, yun ang ship na sinasakyan natin pareho. Sabay tayong nagka crush sa ibang tao, but then half of me.. wants na maging tayo in the future. Do you know why? Because may gusto ako sayo.

Hindi mo man sabihin pero ramdam kong may nararamdaman ka rin sakin dahil sa mga kilos at pananalita mo. Bawat linya mong tagos sa puso, at yung pag poprotekta mo sa akin sa mga lalake at nanakit sakin. Ang saya ko nun... kasi naman.. yun yung alam ko, ang pag ibig ganun.

       "I love you, Carly."

Sabi mo nun isang araw kaya napangiti ako. Ang saya ko, ang saya saya ko. Kasi ang ibig sabihin ng I love you ay mahal kita diba? Un ang nasa isip ko.

Nag college tayo ng sabay. Ganun pa den, sweet ka saken, caring at palagi kang nagsasabi ng I love you. Kilig na kilig ako nun.

Napangiti pa ako nung isang araw.. nagbiro ka. Sabi mo.. "Carly, pano kung ligawan kita?" Soooobrang kinilig ako nun. Pano ba naman kasi, ligaw? Syempre oo. Pero dahil alam kong biro lang yun, hindi kita sinagot ng kung ano. Tumetyempo lang ako. Baka kasi isang araw eh totohanin mo na.

Ang saya nating naglalakad sa parke, kung saan nagkakilala tayo. Magkahawak ang kamay dahil yun ang nakasanayan nating magkaibigan. Nagkakasiyahan pa tayo..

Hanggang sa pareho tayong maka graduate. Naging tayo nun, ang saya saya ko. Palaging may I love you, Carly ako sayo. At may Mamahalin kita at papakasalan Carly, pang pahabol.


Na natupad na ngayon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatingin sa hawak kong boquet. Nakangiti ako ng malapad at walang humpay naman sa palakpakan ang mga tao. Ang mga guests, nginitian ko silang lahat. They nod in response.

Nakangiti naman si Andrei habang nagpupunas ng luha. He smiled at me, then he nod. Hindi ako makapaniwala.. natupad na ang lahat ng gusto namin.. ng gusto ni Andrei.



One day, anniversary natin, pumunta tayo ng tagaytay to celebrate nun. Kasama ang barkada natin, naging masaya tayo. We even stay at that place for two days. Ang saya, summer kaya feel na feel ang moment.

Dun, sinabi mo saking papakasalan mo ako. I just need to wait for a year. Kailangan mong maghanda.. kinilig ako non sobra, hindi ko maiwasang ilabas ang kilig ko kaya napatalikod ako sayo non... namumula at walang humpay sa pagsisigaw ng walang boses.

Ikaw naman kasi eh.

Nakarating tayo sa 5th anniversary, ganun parin.. masaya tayo though minsan nag aaway tayo.  Ang hindi ko lang makakalimutan eh nung, humantong tayo sa pagdedesisyon ng break up.

But yeah, may mga relasyon talagang mga matatapang na lumalaban pareho...

Lumapad ang ngiti ko ng nasa last row na ako. Malapit na kitang maabot, malapit na....

Nanlumo ako ng lumingon ka sa likod ko kasabay nun ang pagbukas ng pinto.. ako naman etong pinipigilan ang wag maluha.

Pero hindi tayo ganun... hindi tayo matapang. Our relationship didnt work anymore... so we breaked up.

Anong nangyare? Naging masaya naman tayo kahit friends friends lang... until you met her.


Na bride mo na ngayon.

Lumiko ako sa pwesto ko, bride's maid. Yun nalang talaga ang pwesto ko. May magagawa pa ba ako?

Ni hindi ko nga alam kung mahal mo pa ako. Ni hindi ko nga alam kung gaano mo kamahal ang babaeng yun.

But I need to accept it. Besides, its your decision... not mine or anyone else.


Im in the middle of the aisle, crying with tears in the eyes, smiling wide as I see you. But no, because I am not the bride.

----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aisle||One-ShotWhere stories live. Discover now