Robyn & Riley (And The Rest is Cliché) (Filipino One Shot)

1.1K 56 10
                                    


"Robyn."

          "Riley."

          "Robyn."

          "Riley."

          Saglit kong nilingon si Riley nang hindi na siya nagsalita. His eyes were closed; his cheek on the surface of my bed. Napangiti na lang ako.

          Tuloy-tuloy lang ako sa pagtipa ng keyboard at pagpindot sa mouse nang bigla na naman siyang nagsalita.

          "Robyn."

          Nilingon ko siya para makitang nakapikit pa rin siya. "Riley, nananaginip ka ba?" natatawang tanong ko.

          "Hindi," sagot niyang nakapikit pa rin.

          Iiling-iling na nilingon ko na ulit ang computer ko para tapusin ang project namin. Riley is a very close friend. His family knows my family. We have been with each other since we're five. Nakakatawa pa ngang isipin na 'yung batang lalaking pumupugot sa ulo ng Barbie ko noong bata pa ako, heto, nakadapa sa kama ko, ayaw umuwi sa bahay nila at tinatamad gumawa ng assignment.

          "Robyn."

          "Riley," nakangiting sagot ko na lang. Hindi ko na siya nilingon dahil halatang nangungulit lang naman siya. Sa inaraw-araw na lang na ginawa ni Lord, palaging ganito lang ang ginagawa ni Riley sa kwarto ko habang nag-aaral ako o gumagawa ng assignment. Ang mangulit.

          "Robyn."

          "Riley."

          Minsan ko na ring inisip kung best friend ko ba si Riley o hindi. Hindi naman kasi kami ganoong ka-open sa isa't isa. Hindi kami 'yung tipong pwede ko siyang iyakan kapag naiiyak ako.O kaya naman biru-biruin nang pinakamasasakit na salita nang hindi natatakot kung magagalit ba siya o hindi. Kung minsan nga, ang awkward kapag nandiyan siya. Wala naman akong problema sa kanya. Pero may mga ganu'ng pagkakataon talaga, na hindi ko siya kayang tingnan bilang best friend.

          "Robyn."

          "Riley."

          But when he's around, everything around me brightens up. When he's not... not that I feel incomplete... but I do miss him whenever I would see him again.

          "Robyn."

          "Riley."

          'Baka naman may gusto ka kay Riley.'

          My friends would always tell me that I might be crushing on him. Maraming nagsasabi sa 'kin na baka naman may gusto ako sa kanya kaya hindi ko siya makita bilang best friend. Kapag magkasama kami, iba ang tingin ng mga kaibigan ko sa 'min. At kapag naghiwalay kami ni Riley, katakot-takot na pang-aasar ang inaabot ko sa mga kaibigan ko pagpunta ko sa kanila.

          "Robyn."

          "Riley."

          'Riley, ano... 'Wag mong bibigyan ng... Alam mo 'yun... Malisya... 'Yung itatanong ko. Chill ka lang ha? Walang meaning 'to. Tanong lang talaga... May girlfriend ka na ba?'

          Isang araw naglakas-loob akong alamin kung biro nga lang ba ang sinasabi ng mga kaibigan ko o totoo na. I was afraid but I tried to forget that and gathered all my strength. Gusto kong alamin kung may girlfriend ba si Riley. Dhail kung wala... madali nang maintindihan ang meron sa 'ming dalawa.

Robyn & Riley (And The Rest is Cliché) Filipino One-ShotKde žijí příběhy. Začni objevovat