Humilig Ako Sa Langit

75 1 0
                                    

Humiling Ako Sa Langit
by YDOnodera

       Christmas – or simply holiday for non-Christian – is a special day to many. Mapa-bata, matanda, mataba, mapayat, matangkad o pandak, ine-enjoy ito through Christmas party, non-stop chibugan, and so on.

        Pero ako? Baka nga mag-isa lang akong magse-celebrate ng Pasko dahil hindi ako sumama sa family vacation sa Singapore. Late kasing naasikaso ang passport ko.

        Nanghihinayang ang parents kong hindi ako kasama pero para sa akin, okay lang iyon. Kailangan ko rin kasi ng me time para makapag-relax ako. Ang dami ko kasing school work na sobrang sakit sa ulo, lalo na iyong theshit—este, thesis pala. Nangayayat tuloy ako. Mabuti na nga lang, effective sa akin ang linya ni Alma Moreno na “Dasal lang! Dasal lang talaga,” dahil nairaos ko lahat ng school work ko. Well, hindi naman sa nagyayabang, pero running for Magna Cum Laude lang naman ang Keith Aethelbert Sardon na ito.

       Nakapwesto ako noon sa bintana at nakatingin sa nagniningning at naggagandahang mga bituin sa langit. Hinu-hum ko pa ang paborito kong kanta, ang Parol ng Silent Sanctuary, habang humihiling. Sabi nila kapag daw nag-wish ka sa unang bituan sa langit, matutupad ang hiling mo. Kanina pa tapos iyon. Sayang! Gayunpaman, humiling pa rin ako. Who know? Baka matupad pa rin naman.

      At ang hiling ko ay sana mahalin din ako ng taong minamahal ko.

       Natigilan ako nang biglang mag-ring ang phone kong nakapatong sa pasimano ng bintana. Nabasa ko ang pangalan ni Reuben, ang best friend ko.

        Agad ko iyong kinuha at binasa ang message niya.

        Oi bes Keith! Jan b u sa inyu?

        Kailimitang maayos mag-punctuation saka buo ang mga salita kung mag-text si Reuben kaya naisip kong baka nagmamadali siya. Atat na atat siguro ako makita?

        Magre-reply sana ako kaso bigla siyang tumawag.

       “Nandito ako sa tapat ng kwarto mo. Tingin ka sa baba,” utos niya.
        Agad akong tumalima. Hinawi ko ang sliding window pakaliwa at dumungaw. Aba, nandoon nga ang loko!

       “Oy, nandito ka pala!” gulat na tugon ko sa kanya. Nasanay kasi akong one hour ahead siya mag-text bago siya magpunta sa amin.

       “Kakarating ko lang. Nakalimutan lang kitang i-text kasi nagmamadali ako.”

       At mukhang totoo nga ang hinala kong atat na atat siyang makita ako.

       “Punta tayo sa park,” aya niya sa akin.

       Tutal wala rin naman akong ginagawa, pumayag ako. “Saglit lang. Magpapalit lang ako ng damit.” Lumang t-shirt at maikling short lang kasi ang suot ko noon. Tipikal na pambahay ko.

       “Bilisan mo, Keith Aethelbert! Kung hindi, iiwan kita.”
       “Oo na, Reuben Seymour! Napaka-demanding mo talaga,” natatawa kong tugon. Umalis na ako sa may bintana at sinara iyon bago lumapit sa closet para kumuha ng damit.
       “Best friend mo kasi ako kaya may karapatan akong mag-demand. Kaya bilisan mo, okay?”
       “Opo. 'Kala mo naman, significant other kita kung maka-demand ka sa ‘kin,” labas sa ilong kong bulong.
       “Ano 'yang sinasabi-sabi mo diyan?” takang-tanong nito. Mukhang hindi niya yata siguro narinig ang sinabi ko.
       “W-wala. Sige na, magbibihis na ako, ah? Bye,” palusot ko.  Binaba ko na ang tawag niya. 'Buti na lang, hindi niya narinig dahil baka asar-asarin lang ako ng mokong na ‘yon.

        Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, nagbihis na ako for the best way I could.  Hay! Si Reuben talaga, forever atat. Ayaw na ayaw niya na pinaghihintay siya dahil he’s very impatient in terms of everything. Naalala ko lang nung high school pa kami, hinintay niya ako na matapos ang practice namin sa sabayang pagbigkas at ma-late man lang ako sa pinag-usapan naming oras, magagalit na siya at hindi pa ako papansinin habang hinahatid ako sa bahay.
Habang nagbibihis ako, bigla akong natigilan at napangiti dahil may naalala ako. One time kasi, niyaya ako ng kaklase kong irreg na si Kenny sa ice cream house malapit sa school na pag-aari nito. Gusto akong ligawan nito. Tapos, nagulat akong biglang pumasok si Reubs at hinila ako palabas. Nagulat nga ako noon sa bigla niyang pagsulpot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Humiling Ako Sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon