Prologo

62 5 3
                                    


"TANGINA, nagmukha ako'ng tanga. Pinaasa niya lang ako, letseng pag-ibig 'to. Oh, Diyos ko. Ano ba naman—aray, puta naman e!" pagrereklamo nito habang marahang hinihimas ang noo.

Binato ko siya ng unan. Hayun, sapul.

"Ang sabi ko, ikampay mo 'yan, bok. Pero 'di ko sinabing magwala ka rito." Tatawa-tawang sabi ko pa sa kanya.

"Letse ka! Wala kang suporta!" Kinuha niya ang unan sa tabi niya at ibinato pabalik sa akin. Hindi ako tinamaan dahil nakailag ako.

"Ako na nga 'tong nagmamalasakit sa'yo, tapos pinagbibintangan mo pa 'ko? Ayos ka a!"

"Peste. Pahinging yelo, wala ng lamig 'tong iniinom ko."

"Ah, parang si K lang, biglang nanlamig sa'yo?" pang-aasar ko pa sa kanya.

Lalong tumalim ang titig niya sa akin.

"Yung yelo? Bilis!"

"Yes, bok!"

Saglit akong umalis doon sa kubo namin. Request niya 'yan doon sa mga magulang ko no'n, para raw may tambayan kami lalo na sa mga panahong broken-hearted siya. O 'di ba, astig? Ganyan siya kalakas sa mga magulang ko. Isang pitik niya lang, request-granted na!

Kumuha ako ng yelo sa freezer. Inuutusan kasi ako ng reyna. Ang utos ng reyna, 'di dapat nababali. Makalipas lang ang ilang minuto, lumabas na ulit ako. Mahirap nang paghintayin iyong nasa kubo, baka mag-deklara iyon ng World War III dahil BH ang puso.

Muntik na 'kong mapatawa nang malakas sa eksenang natagpuan ko. Paano ba naman kasi, inaalog na niya ang ulo niya dahil sa hilo, pero sige pa rin siya sa pag-laklak ng alak at pagtipa sa gitara, isama mo pa ang paese-eseng pagkanta.

Itong babaeng 'to na nasa harap ko...

"Guido, bilisan mo nga! Bagal naman nito o!"

Hayan na naman siya. Talaga naman, walang kakupas-kupas. Kung makapag-utos, daig pa ang senyorita e. Kung hindi lang ako natatakot na ihampas niya sa akin ang gitara niya, pipigilan ko na 'tong uminom.

"Bok talaga. Nawala lang ako saglit sa paningin mo, miss mo na 'ko kaagad?"

"Lul. Magtigil ka diyan. Akin na 'yong yelo!"

Inihagis ko sa pagmumukha niya 'yong yelo para magtigil na siya. De, biro lang. Inilagay ko na doon sa baso niya 'yong yelo dahil mukhang anumang minuto e babagsak na 'tong Hitler na 'to.

Kung magtatanong kayo kung bakit 'yan nagpapakalunod sa alak, aba, malay ko. 'Di ko rin alam.

De, biro lang.

Kada BH 'yan, magcha-chat lang siya ng "Bok, 911. Hideout." Alam ko na agad na emergency at malamang sa malamang, aatungal na naman siya dahil iniwan siya kuno nang tarantadong nanligaw at nagmahal kuno sa kanya.

Bakit nga ba 911? Heto kasing si Bea, may pagka-imbentor 'yan. Mahilig 'yan umimbento ng mga code words dahil naniniwala siyang ang bawat tao ay ipinanganak na kakaiba. Ah, may code word siya para diyan—kakanique, na minsan pinaiikli na lang namin sa 'kakan'. Kaya ayon, imbis na 'emergency,' ginawa niyang '911' para kuno kaming dalawa lang ang makaka-matic. At oo, imbento niya rin 'to.

Ganito kami mula pa hayskul. Nagsimula 'to noong naging platoon leader ako sa CAT noong grade 10 kami. Naks, oo na... alam ko'ng malakas maka-pogi.

Nagulat na lang ako noong makatanggap ako ng text sa kanya. Ang sabi pa nga, "Hizon, 911. Bleacher." Hizon dahil iyon ang apelyido ko. Ang gwapo, 'no?

Nagkita kaming dalawa sa bleacher tapos mga ilang minuto ring nagpanisan lang kami ng laway dahil walang nagsasalita sa amin. Nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong niyakap tapos umiyak na siya nang umiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAGAYWhere stories live. Discover now