Anong Score Mo? (OneShot)

6.6K 287 55
                                    

Another cheesy oneshot.

--x--

Hi.

Jaydee M. Almeria pala. 17, senior.

Kasalukuyang nakatunganga sa papel na winasto ko habang iniisip kung tama ba yung sinagot ko sa sarili kong papel.

Well, actually marami. Hula-hula lang kasi ang iba dun since di ko naman talaga alam ang sagot.

Nag-aral naman ako eh. Basta, mahirap lang talaga ang History para sakin.

"Okay, class. Return the paper to the owner for re-checking and recording. " Agad naman nagsitayuan ang mga kaklase ko para ibigay ang mga papel na winasto nila sa kanya-kanyang may-ari at para narin siguro hanapin ang mga nagwasto sa kanilang mga papel.

Tatayo na sana ako nang mapadaan sa harap ko si Kiya na nakita kong binigay yung papel ni Xynder.

"Oy Kiya, pakibigay naman kay Nicole oh. Hehe, salamat." Nakangiting pakiusap ko sa kanya. Tutal magkatabi lang naman sila nung chineck ko at para hindi rin masyadong hassle.

Masyado kasing magulo ang room sa tuwing ganito ang nangyayari. Ang daming nakatayo at paikot-ikot sa classroom eh, pasensya naman.

"Jaydee." tawag sakin ni Drake kaya napatingin ako sa kanya na nasa harap ko na pala. Sa pinakaharap kasi ako nakaupo.

Nakita ko naman na nakalahad yung papel ko harap ko na hawak-hawak niya.

"Bagsak?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang papel ko at di tinitingnan ang score ko. History test to eh. Baka bagsak na naman ako.

"Oo." Seryoso pa ang pagkakasabi niya kaya nanlaki ang mata ko at napatingin sa papel ko.

36/50. Bwisit talaga kahit kailan.

"Hahaha joke lamang." natatawang sabi niya saka ginulo ang buhok ko. Umalis narin siya sa harap ko bago ko siya nabigwasan.

Ang saya niya talaga pag napagtitripan niya ko.

Seryoso, akala ko kasi talaga babagsak na naman ako. Lagi kasi kaming World War I ng History eh.

Nakangiti kong tinititigan ang mga check mark sa papel ko nang makarinig ako ng pag-tss sa tabi ko kaya napatingin ako kay Xynder. Eh siya lang kasi ang katabi ko. Pader na sa kabila.

Tss daw. Ahm. .baka bagsak siya? Hahahaha kailan pa ko natutong magjoke? XD

"Oy Xynder, mali ako sa number 16 pero chineck mo. Wrong spelling yung Byzantine ko oh. Naging i yung y." Napatingin ako kay Erl na nakatayo na pala harap ni Xynder. Nakita ko pang nasa desk ni Xynder yung papel niya .

Napatingin naman si Xynder sa kanya.

"Ah. Pasensya na." malumanay (kailangang malumanay?!) niyang sabi saka binilugan ang number 16 sa papel at pinalitan ang score na isinulat niya.

Agad din namang umalis si Erl at pumunta sa likod kung saan siya nakaupo. Mukhang sinundan pa siya ng tingin ni Xynder.

Siyempre, maganda eh.

Matangkad. (Well, matangkad naman din ako.) Maputi. (Duh, hindi ako maitim.) Matalino. (Next please.) Maganda ulit. (Change topic.) 

Tss. Whatever.

Hindi ako nagseselos ah, curious lang. Feeling ko kasi crush ni Erl si Xynder eh, pwedi ring baliktad. Na crush ni Xynder si Erl. O baka naman mutual?

Pero teka nga, eh ano naman?! Konting tinginan lang, binibigyan ko na ng meaning.

At saka, ano naman kung isa sila sa mga M.U na hindi pa nag-aaminan di ba? Eh ano naman?

Anong Score Mo? (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon