Chapter 04

133K 5.9K 1.3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY04 Chapter 04

"Okay na kasi 'yan," Niles said. "Sobrang conservative mo nang tignan d'yan, Yanyan."

"Sure ka ba?" I asked as I stared at myself at the mirror. I was wearing a baby pink collared dress. Mayroon naman akong ballet flats kaya lang ay parang gusto ko ring bumili ng bago ngayon. I wanted to make a good impression sa family ni Levi. "As in okay 'to?"

Niles nodded again as she gave me thumbs up. "Mukha kang ka-galang-galang d'yan."

I rolled my eyes. "Sabi mo conservative ang family ni Levi, 'di ba? So I need to look very presentable."

Sumandal si Niles at saka nagcross arms. Naiinis na siguro sa 'kin 'to. Hinila ko siya papunta sa mall dahil kailangan ko na talagang bumili ng damit. Yesterday sana kaya lang ay hindi ako naka-alis dahil biglang kinailangan ako buong araw. Ang sama ko naman if iuutos ko sa intern ang pagbili ng damit ko.

"Hindi ko alam for sure. Sabi lang ni Marcus since naka-meet niya iyong tatay ni Levi nung sinama siya sa country club."

I groaned.

I grew up in a comfortable family, but not to the point na member kami ng country club. Ang ridiculous kaya ng membership fee doon! Para lang maggolf? Kaloka!

"Paano nga ulit sila nagka-kilala?" I asked as I got back inside the dressing room para magtry ng iba pang damit. 'Di ako naniniwala sa first impression lasts, but this time, I needed to make a good impression! I wanted them to see me as a good fit for Levi. I mean, sure he's a pilot and he's from a well-off family, but damn, doctor naman ako! Hindi naman as if magugutom ako at magiging palaboy sa kalye kapag 'di ko naka-tuluyan si Levi, noh.

"Di ba nung nasa Japan ako pinupuntahan ako ni Marcus lagi? Nagkakilala sila ni Levi sa lounge tapos ang flight pa ni Levi nun dati is Japan and South Korea, so 'dun sila naging friends," Niles explained.

"Gaga ka talaga, ang tagal na palang kilala ni Marcus si Levi! Ni 'di mo man lang ako naisip!"

She laughed. "You know what? Iintroduce ko sana kayo nung kasal kaso 'di ka naman nagtagal sa reception dahil kinailangan mong bumalik sa hospital tapos si Levi naman sa reception na dumating dahil kaka-land lang ng flight nila. 'Di talaga meant to be."

I rolled my eyes. "You jinx. Palibasa masaya ka na."

"Baka 'di lang talaga dapat nung time na 'yun. 'Yun 'yung moments mo na 'di ka pa naghahanap talaga, e. Maybe if na-introduce kayong dalawa nung time na 'yun, magiging wedding hookup lang kayo."

Natigilan ako.

She had a point.

Malamang sa malamang kung nakilala ko si Levi nung kasal nina Marcus at Niles, baka sa CR kami sa reception natuloy tapos wala na. Kasi iyon 'yung time na nararamdaman ko na iyong want to settle down and it freaked me out so much kaya naging mission ko for a while na enjoyin ang gawa ni Lord hanggang sa makakaya ko pa.

"Okay na?" Niles asked nang lumabas ako sa dressing room.

"Mas gusto ko 'to," I said as I picked up the collared dress and paid for it. At dahil ginambala ko si Niles ay nilibre ko na rin siya ng pagkain and binilhan ko si Nini ng pasalubong. Sana talaga magka-baby na ako. Gusto ko na 'yung baby ko maging best friend ni Nini. Kaso habang tumatagal lumalaki ang age gap. Naku talaga, Levi! Ayusin mo!

Pag-uwi ko sa condo ay hinandwash ko iyong dress dahil baka masira, then I steamed iron it. Then nag-exfoliating mask ako tapos balak kong matulog nang maaga para fresh ako bukas. Mamayang madaling araw pa kasi iyong balik ni Levi dahil nasa ibang bansa siya. Bukas daw ay susunduin niya ako sa condo.

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon