Nag-simula ang storya nila dahil sa pagdating ng bus na sinasakyan ni Chax at natapos din dahil sa pag alis ng bus na sakay si Chax. Bakit kaya napaka mapag-laro ng tadhana? Minsan ang tanga na natin kasi kahit gaano tayo pinaglalaruan ng tadhana naniniwala pa rin tayo sa kanya. Destiny? Nakakatulong ba talaga yan para mahanap mo ang the one para sayo? "Kung may tadhana, bakit may mga marriage na nauuwi sa hiwalayan?" Tanong ni Sely kay Chax na abala sa pag tingin sa langit. "Eh kasi, yung pinakasalan nila hindi talaga yun yung the one para sa kanila." Anito at bumaling sa kanya nang nakangiti. "Ano pang silbi ng tadhana kung mali naman pala yung napili nila ?" Naguguluhan pa ring tanong ni Sely. "Hindi naman kasi talagang tadhana ang gumagawa ng paraan. Destiny is just a guide. Kung baga tayong mga tao pa rin ang pumipili ng landas na tatahakin natin." And that made her mind mess up more.