Meet Daniella C. Ricafranca. Naranasan mo na bang magmahal ng paulit ulit? Isang beses, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito... dalawampu. Nagmahal lang naman ang isang tulad niya. Dalawampung beses nagmahal, dalawampung beses nasaktan. Pinakamasaklap na kayang gawin ng pag-ibig? Iyon ay ang kakayahan nitong patigilin ang isang tao para magmahal. Pinakamagandang bagay na kayang gawin ng pag-ibig? Iyon ay matutuklasan sa kwento ni Daniella.