Noon pa lamang ay laganap na ang mga kababalaghang pangyayari. Mga exorcisms, pag-possess ng mga masasamang elemento at ispirito sa katawan ng tao, aswang, mga kulto, atbp. Maraming pinagsasawalang-bahala ang mga ito ngunit meron ding mga tao na nais matuklasan ang isa pang kakaibang mundo. May magkakaibigang mahilig mag-ghost hunting. Sila ay sina Mae De Villa, Andrea Gonzales , Matt Cornell, Shawn Williams, Valerie Santiago at Aaron Jay Santos. Maraming mga lugar ang kanilang pinupuntahan at marami rin ang kanilang makikilala. Lagi rin namang may pahamak na dumadating sa kanilang buhay ngunit na'ndiyan pa rin sila't patuloy na tinutuklas ang mga bahay. Lakas ng loob, pagkakaisa at ang pinakamahalaga ay ang tiwala sa Diyos ang nagsisilbing pundasyon nilang magkakasama. Ang mga ito ay ang nagsisilbing dahilan upang kanilang ipagpatuloy ang kanilang inumpisahan ngunit... ...matatapos nga ba nila ang kanilang kwento ng tagumpay at payapa o sila ay matatalo sa huli at patuloy na gagambalain ng mga elementong sinubukan nilang harapin?