Isang handang tumapos sa buhay ng taong lubos na kinasusuklaman ng kanilang lahi at iligtas ang bansa sa mula sa mga kamay nito. Isang patuloy na gagawin ang tama dahil ayaw niyang sumunod sa yapak ng kanilang pamilya. Nagkita ang dalawa at isang kwento ang uusbong. Isang prinsipyo ang nagbago. Isang handang talikuran ang pangarap. Ngunit ang magkaibang daang gusto nilang tahakin ang mismong sumira ng kanilang pagmamahalan. Mas nananig ang galit at awa. Isang buhay ang namaalam samantalang ang isa ay nagpatuloy sa buhay na may lungkot at nangakong hihintayin ang taong lubos na minahal hanggang sa susunod na buhay. Taong 2019, panibagong buhay ang pinagkaloob pero sadyang mapanglinlang ang buhay ng tao. Ito na ba ang tamang panahon para makamtam ang pag-ibig na ilang taon nilang inaasam? Magtatagpo kaya sila? O panibagong kapalaran na ang pinagkaloob sa kanila? All rights reserved 2019.