"Ikaw na laging nakatambay sa Kiosk 4 every MWF from 1:00-2:30pm, para sa'yo 'to," at nagsimula siyang tumugtog ng gitara. Hindi ako naniniwala sa fairy tales pero super fan ako. Ang labo 'no? I mean, hindi ako umaasa na magkakaroon ako ng storyang parang hinugot sa isa sa mga nobelang binabasa ko. Naka-angkla ako sa realidad. Mas gusto kong paghandaan at isipin ang mga bagay na posibleng mangyari. Kaya nang biglang naging parang isang bangungot na hinugot sa storya ng isang young adult novel ang mga pangyayari sa buhay ko sa university, wala akong nagawa kundi umalis, lumayo, lumimot, at magsimula uli. Sabi nila, sa buhay ng tao, may mga bagay talaga na dapat matapos para may makita at maranasan tayong bagong simula. Kumbaga, magbabago lang ang mga bagay-bagay at magkakaroon ng bagong normal para sa'yo. And this is the story of my new normal... ...where I learned how to really love..and be loved flaws and all. Siguro nga hindi totoo ang fairy tales but he makes me want to believe one will happen to me..because this comes so damn close.