Nagsimula ang lahat ng 'to sa isang stalker na hindi ko naman akalain na magiging kaibigan ko pala. Kahit gaano karami yung mga bagay na pareho kami, mas madami parin yung pagkakaiba namin. Away dito, away diyan. Kontra dito, kontra diyan. Pero kahit ganun, sa di malamang rason eh kami padin ang magkasama. Aba! eh daig pa namin ang mag-syotang may "pRomIz3 b3h f0r3vEr tAy0uh!" Pero pano kung may dumating na tao para sa bawat isa sa'min? Daigin parin kaya namin ang mga mag-syotang yun, o baka naman kami ang daigin nila? May ipagbago kaya ang samahan namin? Magiging katulad parin kaya kami ng dati? Maintindihan parin kaya namin ang isa't isa? Pano kung may mga bagay parin kaming..hindi nasasabi sa isa't isa? Maituturing parin ba namin na katulad kami ng dati?