HIGH FIVE Series #2 Synopsis: Jerrold and Lee are best friends, sa totoo lang mas malapit pa itong si Jerrold kay Lee kumpara sa mga kapatid niya, and the same with Lee na mas intimate ang friendship nito kay Jerrold than with his High Five best friends. At ito nga ang problema, sila ay mag-best friend! They have this intimate bond na pwedeng humantong sa pag-iibigan! Or, are they secretly in love with one another? Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan matapos ang isang malagim na aksidente kung saan naulila sa kanyang pamilya ang 7 taong gulang na batang si Warren Lee Gokongwei! Halos hindi siya makausap, maski ang mga kaibigan niyang sila Thirdy, Menard, Sim at Sol ay hindi nila ito maisama sa kanilang grupo, ngunit isang 10 taong gulang na batang lalaki ang nagpanumbalik sa kanyang masiglang buhay at ito ay sa katauhan ni Jerrold Lagman-Teng. Naging sandalan, kaibigan at kapatid itong si Jerrold kay Lee, at para kay Lee ay hindi ito nawalan ng nakatatandang kapatid. It was on Jerrold's 18th birthday nang magtapat ito kay Lee, that night was their first kiss............but Lee rejected him dahil mas pinapahalagahan nito ang kanilang pagkakaibigan. Kinailangang mag-move on ni Jerrold at manatiling kuya at kaibigan kay Lee dahil para sa kanya, ito ang nararapat gawin.n Hanggang sa makatagpo si Jerrold ng babaeng pinaglaanan niya ng kanyang pag-ibig na dapat sana ay para kay Lee........and from that moment nagsimula nang madurog ang puso ng isang Warren Lee Gokongwei. And Lee became miserable. Maibabalik pa kaya ang pag-ibig na nawala sa kanila? O tuluyan nang mailalaan ito sa katauhan ng iba?