Secretly loving a genius ang drama ng buhay ni Aivi sa loob ng limang taon. Pulos pagpapa-cute at pagpapalipad-hangin ang ginagawa niya para mapansin ni Chase. Kontento na siya roon dahil para sa kanya, matanaw, makasama, at makausap lamang niya ito ay masaya na siya. Pero bigla siyang nagising sa pag-iilusyon nang ipakilala sa kanila ni Chase ang fiancée nito na si Destiny. Teka, hindi ito kasama sa love story nila! Suddenly, all her dreams about Chase being her husband vanished into thin air. But she was not Aivi Lim for nothing. She had to do something. She had a battle to face. A battle against Destiny. Sana lang ay manalo siya...