Mga Hiram na Sandali sa Piling ni Mamang Pulis May happy ending bang nag-aantay sa pag-ibig na hiniram mo lang pansamantala? Paano kung dumating ang panahon na babalik ang tunay at karapat-dapat sa kinaluluklukan mo ngayon, kaya mo bang magparaya sa kabila ng naipundar mong pagmamahal? Paano kung mas matimbang pa rin sayo ang kaligayahan ng pinakaimportanteng tao sa buhay niya? Kaya mo bang tiisin ang lahat kahit na ang kapalit neto ay palayain siya para mabuo ang larawang minsan mo na ring pinangarap sa sarili mo, ang larawan ng isang buong pamilya. Tunghayan natin ang kwento ni Kyle ang kwentong gugulo sa isip nating lahat kung alin ba ang mas matimbang kapag tunay na pag-ibig ang pinag-uusapan.